Connect with us

Entertainment

“I had such an amazing birthing experience”, Rachelle Ann Go Ine-enjoy na ang Pagiging Isang Mommy Niya Matapos Ligtas na Isilang ang Kanilang Panganay na Anak

Bilang isang first time mommy, ay inamin noon ng singer na si Rachelle Ann Go na takot siyang manganak. At batid naman ng marami sa atin, na bilang isang babae, ay normal lang makaramdam ng takot at kaba, lalo na kung first time mo manganganak dahil sa talaga namang hindi biro ang sakit na naraamdaman ng isang babae kapag siya ay nagsisilang ng sanggol.

Ngunit tunay rin na kapag nasilayan na ng iyong mga mata ang munting sanggol na iyong iniluwal,ay kakaibang kasiyahan naman ang iyong mararamdaman.

Ganito kung ilarawan ni Rachelle Ann ang kanyang karanasan at naramdaman ng isilang na niya ang panganay na anak nila ng kanyang asawang si Martin Spies.

Sa Facebook niya, ay ibinahagi ng Miss Saigon actress at singer, ang naging karanasan niya ng isinisilang niya ang kanilang baby. Kalakip nga nito, ay ang larawan niya kung saan ay makikita naman na siya’y nakasuot ng shades habang nasa loob na siya ng ospital.

Caption ng naturang larawan,

“If the contractions are strong, make it fashion.”

Photo credits: Rachel Ann Go | IG

Ayon nga kay Rachelle, binigyan lamang siya ng sapat na oras ng kanyang midwife na i-push ang kanyang baby para sa normal na panganganak, at kung hindi pa nga niya ito makayanan na ilabas sa oras lamang na ibinigay ay kinakailangan na niyang i-eksamin kung isi-CS operation na ba siya.

Pinagdiinan naman niya na kaya niyang i-normal ang pagsilang sa kanyang anak, at sinabi sa midwife na bigyan siya nito ng 15-20 minutes. At makalipas nga ang 18-minuto, ay isinilang niya via normal delivery ang isang malusog na baby boy.

“My midwife said she’ll give me an hour to push. If not, the doctors will have to examine me again and might to emergency CS.”, ani Rachelle.

Dagdag pa nga niya,

“I said NO! I will do it in 15-20 minutes! It took me 18mins to push Lukas out. Praise God! Tinodo ko na talaga ang pag-push.”

Photo credits: Rachel Ann Go | IG

Ibinahagi rin ni Rachelle na sa loob ng silid kung saan siya nanganak ay tanging kasama lamang niya ay ang midwife at ang kanyang asawang si Martin, na siya ring nag-a-assist dito. Bumilib naman umano sa kanya ang midwife, sa naging pangmalakasang ire niya, na nagpalabas nga sa kanyang baby.

Chika pa niya, talagang hindi siya makapaniwala na nakaya nila, lalo pa nga’t may takot talaga siyang manganak. Ngunit ng naramdaman na umano niya ang pagle-labor at ang sakit na dala ng contraction, ay unti-unti niya na ito ine-enjoy, dahil alam niya na pag natapos ito, ay masisilayan na niya ang kanyang baby.

“I cannot believe we did it! We kept praying for a miracle. It was a long labor..
“I was progressing really slowly but I was actually enjoy the contractions! LOL.. Weird.. But yeah I found myself saying YES to each contraction.”

Saad pa niya, nawala din ang kanyang takot sa panganganak dahil sa kanyang pananampalataya sa Diyos, na gagabayan at tutulungan siya nito na makaraos. At tunay ngang walang imposible sa Diyos, basta magtiwala at maniwala ka lang, sapagkat sa kabila ng takot na naramdaman ni Rachelle, ay matagumpay at ligtas niyang nailuwal ang kanyang baby, na pinangalanan nga nilang si Lucas.

“I had such an amazing birthing experience”,

ang naging pahayag nga niya, sa kung ano ang kanyang naramdaman matapos niyang makapanganak.

Isinilang ni Rachelle Ann si baby Lucas noong ika-26 ng Marso taon ng kasalukuyan, ilang linggo lamang bago nila ipagdiwang ng kanyang asawa ang kanilang ika-3 anibersaryo ng kasal.
Matatandaan na sina Rachelle Ann Go at Martin Spies ay ikinasal noong buwan ng Abril taong 2018 sa Isla ng Boracay.

error: Content is protected !!