Connect with us

Entertainment

“I focus on what was important” Billy Crawford Tinalikuran ang lahat ng Bisyo, Focus lang ngayon sa kanyang Career at sakanyang Mag-ina

Panibagong proyekto na naman ang nagbukas ng oportunidad sa aktor na si Billy Crawford, at ito ay ang pagiging host niya ng “The Wall Philippines” isa sa mga pinakabagong game show with a twist ng GMA 7 network na nagsimula na nito lamang nakaraan.

Matapos nga ang mahabang panahon ng kanyang pakikipagsapalaran ng karera niya sa ibang network, ngayon ay tuluyan ng nagbalik sa pagiging Kapuso ang TV host-actor at singer. Sa kanyang pagbabalik na ito sa nasabing network ay lubos naman talaga ang pasasalamat ni Billy sa naging mainit na pagtanggap sa kanya, lalo na’t agad siyang nabigyan ng oportunidad na ipamalas ang pagiging isa niyang mahusay na host.

“I feel welcomed and at home. This collaboration has given me, as a host and an artist, the opportunity to be a freelancer and work with anyone. We also have other shows lines up and in the talks for now”, saad ni Billy.

Dahil sa bagong proyekto na ito ni Billy, ay muling nagkaroon ang GMA network ng pagkakataon na makapanayam ang singer-actor-TV host, at kamustahin ito lalo na ang buhay nito ngayon. Batid naman ng marami sa atin na ngayon ay isa ng pamilyado si Billy, ito ay matapos niyang ikasal sa kanyang minamahal na si Coleen Garcia at sila naman ay nabiyayaan na din ng isang anak na lalaki.

Sa nasabing panayam ay naibahagi ni Billy ang ilang pagbabago sa kanyang buhay magmula ng magkaroon na siya ng sarili niyang pamilya. Ayon sa kanya, magmula ng siya’y maging isang asawa at ama, ay maraming nagbago sa pananaw niya sa buhay, at isa na sa mga ito ay ang mas kinakailangan niyang ingatan at alagaan ang kanyang sarili para sa kanyang pamilya.

“Ang nagbago sa akin honestly is ‘yung pananaw ko sa buhay. I don’t take as many risk anymore like before, kasi mas mahala na ‘yung buhay dahil may pamilya na ako ‘yung I want to live a long time for my family”, ani Billy.

Proud na ibinahagi din ng singer-actor-TV host na nagawa niyang talikuran na ang lahat ng mga bisyo niya magmula ng mag-asawa siya at magkapamilya.

“Siguro ‘yung attitude ko like hindi na ako umiinom ng alcohol, hindi na ako nagsisigarilyo, nawala na ‘yung bisyo, nawala na ‘yung pagbabarkada, alam mo ‘yun’”, pagbabahagi ni Billy.
Dagdag na saad pa niya, “I focused on what was important and ‘yung pinakaimportante is meron na akong pamilya. I have to put my best foot forward.”

Pagbabahagi pa ni Billy, sa kabila ng pagiging abala niya ngayon sa kanyang hosting career, ay sinisigurado pa rin niya na siya ay mayroong inilalaang quality time para sa kanyang mag-ina.
Pagdating naman sa bago ninga proyekto sa GMA network, ay sinigurado ni Billy na magugustuhan ng maraming mga manonood ang comeback project niya na ito sa nasabig network.

“I’m sure magugustuhan ng audience itong ‘The Wall’ because it’s a very exciting show. The best thing about game shows is you let people’s emotions out. We want the contestants to feel afraid, excited, sad and happy”, ani Billy.

error: Content is protected !!