Connect with us

Entertainment

‘I don’t know how to feel’: Pauleen Luna Sotto, Proud na Proud sa Kanyang Anak na Si Tali Sa First Day Of School Nito sa Nursery

Panibagong milestone na naman ang tinatahak sa buhay ng ubod na cute at bibong bata na si Tali, ang napakacute na anak ni Pauleen Luna Sotto at asawa nitong si Vic Sotto.

Sa matulin na paglipas ng panahon ang cute na sanggol na isinilang ni Pauleen noong Nobyembre 2017 na si Tali, ngayon nga ay handa na ring harapin ang buhay ng isang estudyante. Nito lamang ika-10 ng Agosto, ay proud na proud ang celebrity mom na si Pauleen Luna sa kanyang anak dahil ito nga ay mag-aaral na sa nursery.

Sa Instagram ay ibinahagi ni Pauleen ang cute na litrato ng 3 taong gulang na si Tali, kung saan nga ay makikitang excited na ito sa unang araw ng kanyang klase sa nursery. Sa ngayon ay naka-online class si Tali at dahil nga sa pandemya ay ipinagbabawal ang face to face classes. Ngunit, hindi naman ito naging hadlang para maging masaya, at makita ang excitement sa cute at bibong bata na makita online ang kanyang teacher at mga kaklase.

At bilang first time mom na masasaksihan ang hakbang ng kanyang anak sa pagpasok nito sa unang araw ng klase, ay talaga naman masayang-masaya at proud na proud si Poleng sa kanyang anak.

Ayon nga kay Poleng, ay hindi na maipaliwanag ang kanyang nadaramang saya para sa kanyang anak dahil nga sa hindi namalayang paglipas ng panahon, ngayon nga ay nasa nursery na ito.

“First day of Nursery School and I don’t know how to feel. I am so happy that this girl loves to learn and that she’s so excited about school! But also in disbelief that time flew by so fast and that she’s now in nursery!”

Dagdag pa ni Poleng, ay excited rin umano si Tali dahil sa pag-aakalang bibisitahin siya ng kanyang mga kaklase sa kanilang bahay na sa ngayon ay hindi pa maaari dahil naka-zoom classes lamang sila.

“She was also so excited to ‘meet’ her new classmates thinking they were going to visit our house daw but I am still grateful that zoom classes exist! Thank God!”

Makikita naman talaga sa cute and adorable photos ni Tali ang kanyang kahandaan sa pag-aaral. Sa isang larawan nga ay makikitang may hawak na papel si Tali kung saan may nakasulat na “Little Apprentice” at sa taas nito ay may nakalagay na “First day of school”.

Makikita naman sa maikling video na habang nakasalang sa online class si Tali, ay talagang nakikinig at sumusunod ito sa kanyang teacher. Hindi rin maitago sa mukha ni Tali ang masaya nitong ngiti, patunay lamang nga na talagang enjoy na enjoy ito sa kanyang first day of school.

Samantala, binigyang linaw naman ni Poleng sa kanyang post na bago niya ibahagi sa social media ang mga larawan at video na kuha sa online class ni Tali, ay tiniyak umano niya na hiningi niya ang permiso ng teacher ni Tali at ng mga magulang ng kaklase ng kanyang anak.

“Also, to everyone asking, I asked our teacher if I can post photos from today and of the classmates and I got a go signal. We covered 1 student because it’s the parents’ request so we respect that of course. I hope this is clear! ”

error: Content is protected !!