Connect with us

Entertainment

‘I can’t believe it’s finally happening!’: Kathryn Bernardo, Ipinasilip ang Construction ng Ipinapagawang Dream House Para sa Kanyang Pamilya

Hindi halos makapaniwala ang aktres na si Kathryn Bernardo na ang matagal na niyang inaasam na pangarap para sa kanyang pamilya ay naisakatuparan na. Nito lamang ika-3 ng Agosto nang masayang ipinasilip ni Kath ang construction ng ipinapagawang dream house ng kanilang pamilya.

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

Matatandaan na tatlong taon na ang nakalipas magmula ng makabili ng lupa ang aktres na si Kathryn Bernardo sa Quezon City, at noong nakaraang taon nga ay nagkaroon sila ng ground breaking ceremony para simulan na ang pagpapatayo ng kanilang dream house. At kamakailan lamang, ay nagbigay ng update si Kath sa construction ng bahay.

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

Sa isang Instagram post ay ibinahagi ng 25-taong gulang na aktres ang mga larawan na kuha sa site ng ipinapagawang bahay. Makikita na kasama ni Kath ang kanyang ina na si Mommy Min at pamangkin na si Lhexine habang nakatayo sa harapang bahagi ng construction site ng kanilang dream house.

Simple ngunit mababakas naman sa caption ni Kath ang kanyang labis na kaligayahan, at halos hindi nga makapaniwala na ipinapagawa na ang kanilang dream house.

”Slowly getting there. I can’t believe it’s finally happening!”

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

Samantala, ang pagpapagawa ng bahay ni Kath na magsisilbi nilang dream house, ay sinimulan noong nakaraang taon ilang linggo lamang bago ianunsiyo ang national lockdown. At ang plano nga na magpatayo ng kanilang dream house, ay nabigyang katuparan matapos ang tatlong taon na pagpaplano.

Sa naganap namang groud breaking ceremony noong nakaraang taon, ay naroon rin ang boyfriend ng aktres si Daniel Padilla upang ipakita ang pagsuporta sa kanya. Ayon naman kay Kath, ay ang kanyang ina na si Mommy Min ang unang nakaisip ng ideya para sa kanilang dream house.

Matatandaan naman na minsan nang ibinahagi ni Kath sa isang panayam na mas prayoridad niya ngayong taon ang matapos ang pagpapagawa sa dream house ng kanilang pamilya. Sa interview nga ng Push, ay inamin ni Kath na kailangan niyang magtrabaho ng husto upang agad na matapos ang pagpapagawa sa kanilang dream house. Ayon pa sa aktres, ay kailangan niyang maging financially ready dahil alam niya na hindi biro ang magpatayo ng bahay.

Credit: Kathryn Bernardo | Instagram

“Ang dami pa ding dream investments na kailangan ko pang trabahuhin, but my priority now is to be financially ready since hindi lang basta-basta ang magpagawa ng bahay. My number 1 priority is basically to finish our house.”

Si Kathryn Bernardo ay mas lalong nakilala sa showbiz noong 2010, matapos gumanap bilang Mara sa teleserye ng ABS-CBN na “Mara Clara”. At ngayon nga, ay isa na si Kath sa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Dahil sa husay niya sa pag-arte ay talagang tinatangkilik ng marami ang kanyang mga pelikula dahilan nga para bansagan siyang box office queen ng kanyang henerasyon kung saan nga ay kumita ng mahigit P800 Million each ang dalawa niyang pelikula.

error: Content is protected !!