Connect with us

Entertainment

“I am now living the life I’ve always dreamed off” Andi Eigenmann Nagbigay Pasilip sa Kanyang Surfing Journey at Ibinahagi Kung Gaano Kasaya sa Simpleng Buhay Niya Ngayon

Muling nagbigay update sa kanyang surfing journey ang celebrity mom at aktres na si Andi Eigenmann sa kanyang mga tagahanga sa pamamagitan ng kanyang Instagram reel. Maliban pa dito ay ibinahagi din ni Andi ang kanyang simple at puno ng karanasan na buhay niya ngayon sa paninirahan niya sa isla ng Siargao.

Matatandaan na si Andi Eigenmann ay isa sa mga kilala at sikat na aktres sa mundo ng showbiz, hindi lamang dahil sa ang mga magulang niya ay parehong mahuhusay na artista kundi dahil maging siya ay nagpamalas din ng kanyang husay at galing sa pagiging isang aktres.

Nito lamang nga lamang nakaraan ay nagbahagi si Andi sa kanyang Instagram reel ng video kung saan makikita ang naging enjoy at masaya niyang pagsi-surf. Ibinahagi din ni Andi sa surfing reel niya sa Instagram na ang tinatamasa niyang buhay ngayon ay ang matagal na niyang pinapangarap, at tunay na kasiyahan ang naaramdaman niya sa kung ano man ang buhay na mayroon siya ngayon kabilang na dito ang mga kinahaharap niyang pagsubok at karanasan.

“I am now legit living the life I’ve always dreamed of. Just as the lyrics of this song say, no, I am not talking about that ~aesthetic~ island life you see in my Instagram. It’s all of it, imperfections, struggles and all. Just like in my surfing, I’m proud to say I’ve come a long way,” saad ni Andi.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Ayon pa sa aktres, maikukumpara niya ang kanyang buhay sa surfing. Dagdag nng 32-taong gulang na si Andi, ang buhay at ang surfing journey niya ay pareho niyang nais na ma-improve.

“But what helps me improve is going through it (life + surfing) always wanting to learn more and figure out how to get better. Plus of course, not to forget, doing it all with a smile,” aniya pa.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Samantala, noon lamang nakaraang linggo ay lumahok si Andi sa isang surfing competition, at ayon sa ulat ay ito ang kauna-unahang kumpetisyon na nilahukan ng aktres. Dahil sa pagiging isa na ring mahusay na surfer at sa kanyang abilidad sa pagsi-surf ay isa si Andi sa mg ana-qualify para sa next round ng nasabing surfing competition.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Sa kasalukuyan naman na nasa bansang Japan ang partner ni Andi na si Philmar Alipayo, na kilala sa ating bansa bilang isang surfing champion. Si Philmar ang magre-represent sa bansang Pilipinas sa gaganaping 2022 JPSA tournament, na nilahukan din ng mahuhusay na surfer mula sa iba’t ibang mga bansa.

Photo credits: Andi Eigenman | Instagram

Dahil sa malayo si Philmar, ay hindi rin naiwasan na ibahagi ni Andi kung gaano na niya nami-miss ang partner. Sa kabila nito ay hindi naman niya maitago kung gaano siya ka-proud dito dahil sa pagpapamalas nito sa ibang bansa ng kakayahan at galing sa surfing.

error: Content is protected !!