Connect with us

Entertainment

”I am forever honored to be part of the legacy, of our history”: Miss Universe Philippines Rabiya Mateo, May Mensahe sa Kanyang mga Kababayan Matapos Mabigo sa Miss Universe 2020

Nasaksihan ng buong mundo ang pasiklaban ng mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa saanmang dako ng daigdig sa nagdaang 69th Miss Universe na ginanap noong ika-17 ng Mayo sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, United States upang masungkit ang korona ng Miss Universe 2020.

Credits: Rabiya Mateo | Instagram

Matinding suporta ang ibinigay ng sambayang Pilipino sa pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. Hindi naman maikakaila na ginawang lahat ni Rabiya ang kanyang abot na makakaya sa nasabing international pageant para ipagmalaki sa buong mundo ang Pilipinas. Ngunit, sa kasamaang palad, ay hindi niya nauwi ang korona at napabilang lamang sa Top 21.

Nang inaunsiyo nga ang Top 21 kung saan siya napabilang ay nagdiwang ang sambayanang Pilipino. Inabangan rin ng marami na makapasok siya sa Top 10, ngunit nabigo ang Ilongga beauty queen.

Credits: Rabiya Mateo | Instagram

Samantala, ang inaasam na korona ng 70 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ay naiuwi ng kandidatang mula sa bansang Mexico, si Andrea Meza at siya nga ang kinoronahang Miss Universe 2020.

Hindi man nakamit ni Rabiya ang maiuwi ang korona sa ating bansa, ay labis parin ang kanyang pasasalamat sa sambayanang Pilipino sa ipinakitang suporta sa kanya. Isang mensahe nga ang ipinaabot ni Rabiya sa kanyang mga kababayan matapos mabigo sa Miss Universe 2020.

Credits: Facebook

“It was such a beautiful moment to represent you, Philippines. I am forever honored to be part of the legacy, of our history,”panimula ni Rabiya sa kanyang mensahe.

Pahayag pa ng beauty queen, ay ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para maiuwi ang korona. Sa huli ay labis naman ang kanyang pasasalamat sa mga Pilipino, at ipinarating rin ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kababayan.

Credits: Rabiya Mateo | Instagram

“In my heart, I did everything I can. I trained really hard to be physically fit. I would have sleepless nights trying to read articles to be updated.”

“I made a lot of sacrifices people can’t sometimes see. Early call time. Late night rest. Trying to be sane and motivated. It was a challenge but it made me so much stronger every day. Salamat mga kababayan! Mahal ko kayo!”

Sa kabila ng pagkatalo ni Rabiya sa kompetisyon, ay ipinagmamalaki parin siya ng sambayanang Pilipino. Sa katunayan nito, ay bumuhos ang pagsuporta at papuri mula sa ating mga kababayan at maging sa kapwa niya beauty queen.

Credits: Facebook

“Our beautiful @rabiyamateo. We’re so proud of you! We know how much heart you put into this. And we love you for it. I can’t wait to see all the amazing things you’ll do when you come back home. Your future’s as bright as the sun. You are our queen!” ang pahayag ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na ipinost niya sa Instagram.

“She made our country proud! 11-year consecutive semi-streak Pilipinassss!”pahayag naman ni Miss Universe 2018 Catriona Gray.

“Set goals not just for the outcome itself, but for who you get to become in the process.You have shown us what it means to be relentless, unyielding and unstoppable in the pursuit of your dreams. Despite the setbacks, critics and failures, you continued to wear the Philippine sash with pride and love. And for that, you are a winner, not just in my eyes but in the hearts of millions of Filipinos around the world. Padayon!”,pahayag ng Miss Universe 2011 3rd runner-up at Miss Universe Philippines Director Shamcey Supsup-Lee na humanga sa kanyang performance.

error: Content is protected !!