Connect with us

Showbiz

I am a billionaire, I don’t need to take money from anyone: Megastar Sharon Cuneta, Nag-react Sa Komento Ng Isang Sawsawerang Netizen

Published

on

Sa kasalukuyan ay nahaharap pa rin ang bansa sa pandemic na sakit na COVID-19, ngunit sa kabila nito, patuloy rin ang pagbuhos ng tulong mula sa mga taong may mabubuting-kalooban. Maging ang mga kilala nating artista ay hindi rin tumitigil sa paggawa ng paraan upang makatulong sa mga nangangailangan. Ang ilan nga sa kanila ay nagsasagawa pa ng fundraiser online upang makalikom ng salapi para ipamahagi sa ating mga kababayan na naapektuhan ng krisis.

Kagaya na lamang ni Megastar Sharon Cuneta na naging bahagi sa naganap na Mother’s Day Concert para sa ABS-CBN Pantawid Pag-ibig. Naging maayos naman ang kinalabasan ng isinagawang concert kung saan ay marami ang natuwa dahil nakalikom sila ng mahigit P2.3 Milyon halaga ng donasyon. At noong Mayo 12, ipinaabot ng Megastar ang kanyang labis na pasasalamat sa mga taong nagpaabot ng kanilang tulong at pagsuporta.

“Maraming salamat po. You can still donate! God bless you,”

aniya sa caption.

Ngunit, tila may hindi ata nasiyahan at natuwa sa pamamaraan ng pagtulong ni Megastar Sharon dahil sa halip na suportahan ay pinag-isipan pa ng masama ng isang netizen ang ginagawang pagtulong si Sharon. At ayon sa basher na ito ng Megastar, ibubulsa lamang ni Megastar Sharon ang milyong-milyong halaga ng pera na nakalap sa isinagawang concert.

“Where are you going to put the donation? In your account?”,

pahayag ng basher.

Marami sa mga taga-hanga ni Sharon ang hindi natuwa sa inasal na ito ng netizen kung kaya’t ipinagtanggol nila ang kanilang idolo. Ngunit, hindi naman nagpatinag si Sharon sa basher niyang ito at walang pakundangang binigyan ng diretsahang sagot.

“No, thank you. I am a billionaire. I don’t need to take money from anyone. But I do help. DO YOU?”,

saad ni Sharon.

Maging ang netizen na nagsabing “hindi na niya kailangang magbulsa pa ng pera dahil milyonarya na siya” ay hindi rin pinalampas ni Sharon at kanya ring sinagot ang komento nito.

“Sorry, correction anak: Sabi ko pero hindi yata malinaw, BILyonarya. Since my thirties,”

paglilinaw niya.

Naglabas rin ng hinaing si Sharon sa mga taong nag-iisip sa kanila ng masama sa kanilang taos-pusong pagtulong sa mga nangangailangan.

“Nakalulungkot ang mga minamasama ang pagtulong sa kapwa na galing sa puso. Sa buhay, ang importante lang naman ang Diyos ang may alam and the people who really matter to me like you!”

Samantala, sa hiwalay na komento naman ay ipinaliwanag ni Sharon ang rason kung bakit sila nagsagawa ng donation drive.

“Para makatulong ang ibang tao na gustong mag-donate sa siguradong magpaparating sa nangangailangan. Iba pa ambag naming mga artista mismo, pero wala ka nang pakialam doon,”

matapang na hirit niya.

Ayon pa kay Megastar Sharon, halos nakapagdonate na siya ng P5 Milyon ngayong panahon ng pandemic ngunit hindi lamang niya isinasapubliko ang lahat.

error: Content is protected !!