Connect with us

Entertainment

“Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan”: Jaclyn Jose, Mayroong Paalala sa mga Kapwa Magulang

Pinagbibidahan ngayon ng premyadong aktres na si Jaclyn Jose ang isang pelikula na pinamagatang, “Tahan”. Ipinapakita nito ang kwento ng isang nanay na ipinasok sa prostitusyon ang anak upang kumita lamang ng pera. Kasama rin ng award-winning na aktres sa pelikulang ito ang batang aktres na si Cloe Barreto.

Maaari itong mapanuod simula Hulyo 22. Sa kabilang banda, dahil sa sensitibong istorya ng pelikula, hindi naiwasan ni Jaclyn na magbigay ng mensahe at payo sa kaniyang mga kapwa magulang.

Alam ni Jaclyn na laganap ang parehong sitwasyon hindi lamang sa Pilipinas kundi sa iba’t ibang parte rin ng mundo. Ayon sa kaniya, napakaraming mga magulang ang ipinapasok ang kanilang mga menor de edad na anak sa iba’t ibang pageants at reality show.

Para kay Jaclyn, maaari na rin umano itong ihalintulad sa prostitusyon. Bagamat naiintindihan niya na maaaring dala ito ng kahirapan ng buhay, umaasa siya na makakakuha ng aral ang mga magulang sa kanilang pelikula.

Photo credits: Jaclyn Jose | Instagram

Ayon sa Cannes Film Festival best actress, hindi tamang gawing puhunan ang mga anak sa kabuhayan o kaya naman ay ipasok sila sa mga mapahamak na sitwasyon para lamang kumita dahil hindi dapat pinapasan ng mga anak ang problema ng mga magulang, “Huwag nating gawing puhunan ang ating mga anak sa kabuhayan, sa kinabukasan.

Hindi nila problema ang naging problema ng magulang.” Dagdag pa ni Jaclyn, responsibilidad ng mga magulang na buhayin, alagaan, at palakihin nang maayos ang kanilang mga anak. Bilang mga bata, hindi pa responsibilidad ng mga anak na buhayin at alagaan ang kanilang mga magulang at pamilya dahil sila mismo ang dapat na inaaruga.

Photo credits: Jaclyn Jose | Instagram

Dahil sa mensaheng ito ni Jaclyn, masasabi na bilang isang ina, nais niyang protektahan ang kaniyang mga anak. Matatandaang naninirahan na ngayon sa Siargao ang kaniyang anak na si Andi kasama ang kaniyang pamilya samantalang ang kaniyang anak na lalaki naman ay kasalukuyang nag-aaral sa ibang bansa.

Photo credits: Jaclyn Jose | Instagram

Dahil malayo siya sa kaniyang mga anak, naluluha umano siya sa tuwing naiisip ang mga ito, gayundin ang kalagayan at kaligtasan ng kaniyang mga apo. Kung minsan nga raw, kahit ang maliliit na bagay ay ikinalulungkot niya. Ayon nga sa kaniya,

“Kapag nanay ka, hindi ka tumatahan. You cannot stop a mother to cry. Longing, missing my children. Missing Andi and my son. Kapag nanay ka, hindi ka tatahan. You just have to control and keep loving.”

Sa kabila nito, itinuturing niya bilang isang pamilya ang kaniyang mga katrabaho kaya naman kahit papaano ay naiibsan ang kaniyang lungkot.

error: Content is protected !!