Connect with us

Entertainment

“Huwag kang hahanap ng boyfriend na katulad ng daddy mo”: Richard Gomez, Pinayuhan ang Kanyang Anak na si Juliana sa Paghahanap ng Boyfriend

Ang ating mga anak ay talagang iniingatan natin at bilang mga magulang ay handa nating gawin ang lahat para lamang mapangalagaan at maprotektahan sila. Kaya naman, pagdating sa usapang puso ay nagbibigay tayo ng payo sa kanila bago pa man sila masaktan at dahil nga hindi natin hinahayaang mangyari ito.

Credits: Richard Gomez | Instagram

Katulad na lamang nga ng Mayor ng Ormoc City na si Richard Gomez na iniingatan ang kanyang unica hija na si Juliana mula sa pagkabigo sa pag-ibig. At upang huwag masaktan pagdating ng panahon, ay nasa tabi siya ng kanyang anak upang magbigay ng payo.

Hindi lamang ng isang mahusay na aktor, at politiko si Richard, kundi isa rin siyang mapagmahal at responsableng asawa kay Lucy Torres at butihing ama ng kanyang anak na si Juliana.

Credits: Juliana Gomez | Instagram

Ngayon nga, ay mabilis na ang paglipas ng panahon kung saan ang kanyang unica hija, ay isa nang ganap na dalaga ngayon na talaga namang napakaganda. Kaya naman, tiyak na maraming mga binata ang nagnanais nang manligaw kay Juliana ngayon. Bilang ama ni Juliana, ay nagbigay ng payo sa buhay, at pag-ibig si Richard sa kanyang anak.

Pag-amin naman ni Richard nang minsang makapanayam ni Boy Abunda, ay mas nagkukwento raw ang kanyang anak na si Juliana lalo na sa buhay pag-ibig sa ina nitong si Lucy.

“It’s more of Lucy. Nakikiramdam lang ako. Nakukuwentuhan na lang niya ako pagkatapos,”aniya.

Credits: Juliana Gomez | Instagram

Natanong naman ang gwapong Mayor kung pinahintulutan na niyang tumanggap ng manliligaw ang kanyang anak. Ayon kay Richard, ay alam niya na may mga manliligaw na si Juliana at alam rin niya na darating ang panahon na iibig at papasok sa isang relasyon ang kanyang anak. At ang magagawa niya lang sa ngayon ay bigyan ng advice ang anak upang makatulong siya dito.

Inamin rin ni Richard sa panayam, na noong kabataan niya ay nagkaroon siya ng mga pagkakamali sa buhay, at hindi niya naman ito itinatanggi. Kaya naman, ang nais ni Richard ay maturuang mabuti si Julia sa pagpili ng karapat-dapat na lalaking kanyang iibigin.

“Kaya nga marami akong tinuturo sa kanya, eh. She needs to choose them well.”

Credits: Juliana Gomez | Instagram

At ang pinakaimportanteng tip na ibinigay ni Richard sa kanyang anak pagdating sa pagpili ng lalaking mamahalin, ay:

“Kung hahanap ka ng isang boyfriend, huwag kang hahanap ng isang boyfriend na katulad ng Daddy mo. Pero kung maghahanap ka ng asawa, hanapin mo ‘yung katulad ng Daddy mo.”

error: Content is protected !!