Connect with us

Entertainment

Huli Pero Di Kulong: James Reid At Nadine Lustre, Nagkabalikan Na Nga Ba?

Published

on

Buwan pa lang ng Enero ng kasalukuyang taon ay bumungad na agad sa publiko ang mainit na usapin ng hiwalayang JaDine o ang real-life couple na sina James Reid at Nadine Lustre. At hindi nga nagtagal ay kinumpirma ito ng dalawa sa kanilang joint statement na isinapubliko sa programang “Tonight With Boy Abunda”.




At ngayon nga, matapos ang limang buwang paghihiwalay ay usap-usapan na naman sa social media ang dalawa matapos umugong na muli silang nagkabalikan at magkasama pa diumano ngayong quarantine. Nagsimula ang lahat sa mapanuring mata ng kanilang tagahanga na nakapansin ng pagkakapareho ng couch sa kanilang background.

Ang post ng kanilang tagahanga na may caption na “Huli pero di kulong”, ay agad na nag-viral at umani ng iba’t ibang komento at reaksyon. Sa nasabing post, makikita ang magkahiwalay na larawan nina James at Nadine na tila parehong kinunan sa iisang lugar dahil sa red couch sa kanilang background. Dahil dito, mas lalo ngang tumibay ang hinala ng mga tagahanga ng JaDine na nagkabalikan na ang dalawa.

Ngunit, may mga tagahanga naman ang nagsabi na ang nasabing larawan ay kuha umano sa dating love nest ng JaDine, na bahay ni James kung saan tumira si Nadine noong sila pang dalawa ang magkarelasyon at nagsasama.




Samantala, mas lalo namang tumibay ang paniniwala ng mga tagahanga ng JaDine na nagkabalikan na nga ang mga ito dahil sa isang reliable source na nagsabi kay DJ Jhai Ho. Sa online talk show na #OKS4T ni DJ Jhai Ho, sa episode noong May 29, 2020, naging trending topic ang pagbabalikan diumano nina James at Nadine. Ayon, sa programa, ay hinihinala nga ng mga tagahanga ng JaDine na nagkabalikan na ang mga ito dahil sa larawan na kumakalat online. Dahil sa mapanuring mata ng mga tagahanga sa Instagram stories at post ng dalawa, ay napansin nila ang pagkakapareho ng carpet na nasa Instagram stories ni Nadine at carpet na nasa post naman ni James.

Huli pero di kulong! HAHAHA. My JaDine Heart! 💜

Posted by Ericka Landingin on Thursday, 28 May 2020

Dahil sa balitang ito, marami sa mga tagahanga ng dalawa ang magiging masaya kung sakaling totoo man ito. Tiyak na marami na ang nasasabik na muling makita ang dalawa sa telebisyon at pelikula sa kanilang mga nakakakilig na eksena.

Tiyak na marami ang nakaabang sa magiging kumpirmasyon ng totoong estado ng kanilang relasyon, kung totoo na ba ito o kaya naman ay aasa na naman ba ang mga tagahanga?

error: Content is protected !!