‘HOThlete’ Na Prinsipeng Mula Sa Brunei Bumida Sa Sea Games: Nagawang Bihagin Ang Puso Ng Mga Pinoy

Tayong mga Pinoy ay kilalang kilala na todo ang pagsuporta sa ating mga manlalaro na sumasabak ngayon sa ika-30 SEA Games kung saan tayo ang host country. At pagdating sa anumang larangan na kompetisyon ay talagang ibinubuhos ng mga manlalaro maging ng mga tagahanga hindi lamang ang kanilang lakas at isipan maging ang kanilang puso.

Handang handa tayong patunayan na ang laban ay hindi lamang para sa sariling tagumpay kung hindi para sa karangalan ng isang lahing nagkakaisa.



Samantala, isang dayuhan ang nakapukaw ng atensiyon ng mga manunuod hindi lamang ng kanyang kababayan at ibang lahi maging mga Pinoy ay humanga rin. Maraming Pinoy ngayon ang nabighani sa Prinsipe ng Brunei na si Abdul Mateen Bolkiah anak ni Sultan Hassanal Bolkiah ng ito ay magpakitang gilas SEA Games.

Sa kabilang banda, dahil sa angking kakisigan ay tinawag siyang “One of Asia’s Most Eligible Blue-Blooded Bachelors ng isang sikat na foreign magazine. Sa Brunei ay binansagan siyang “Hothlete” ng kanyang milyun-milyong tagahanga at maituturing ng isang sikat na idolo sa kanyang bayan na pinagmulan. At ang ilan naman sa kanyang mga follower ay tinawag siyang hot prince.

Sa katunayan ang 28 na taong gulang na prinsipe ay kilalang miyembro ng Brunei Polo Team na minsan ng nanalo ng Bronze Medal matapos matalo ng Defending Champion na Malaysia noong 2017 SEA Games na ginanap sa bansang Kuala Lumpur.

Dahil sa angking husay sa larong polo ay nagawa maipanalo ng Brunei Darussalam National Team ang kanilang laban sa Pilipinas. Kasama ni Prinsipe Mateen ang nakakatandang kapatid na si Prinsesa Azemah Ni’matul Bolkiah ng patumbahin ang Philippines National Polo Team sa score na 8.5-8,

“They are a very tough team (Philippines). Individually, they are very good players” sabi pa ng gwapong manlalaro.



At pagkatapos ng panalo ay umaasa si Prinsipe Mateen na mas magiging mahusay ang kanilang mga susunod na laro,

“Hopefully we can do much better than last time”, sabi pa ni Prince Mateen.

Sa kabilang banda, masayang masaya ang prinsipe sa mga atensiyon at papuring natatanggap mula sa mga tagahangang Pinoy matapos na malaman niyang sinadya talaga siyang makita ng ilan para makita siyang maglaro at hindi naman niya ito binigo matapos na paunlakan na makapagpakuha ng larawan kasama siya,

“They just wanted some pictures and I’m flattered” sabi pa ng binatang prinsipe.

Ilang mga tagahanga ang nagpaabot ng paghanga at suporta sa kanyang Instagram,

“bhemgorg Congratulations Prince [email protected] It is an honor that ya’all played here in the Philippines ???? I wish to see you in one of your games soon. ? Please wait for me until that day comes”,
“ogurawr Congratulations….will keep on supporting you. Hoped you made some good memories while in the Philippines ???”,
“_deannot Congrats ???? So proud of you!MABUHAY!❤️I hope you have a great time here at Philippines ?”.