Connect with us

Entertainment

“His infinity”: Kiko Estrada at Heaven Peralejo, Umamin na sa Tunay na Estado ng Kanilang Relasyon

Ang aktor na si Kiko Estrada at aktres na si Heaven Peralejo ay naging laman ng social media kamakailan, matapos nga ang kanilang pagbubunyag sa publiko ng tunay na estado ng kanilang relasyon.

Credits : Heaven Peralejo | Instagram

Ilang ulit na itinanggi nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon sa kabila ng samu’t saring espekulasyon. Ngunit, nito lamang ika-13 ng Agosto, araw ng Biyernes ay tuluyan nang natuldukan ang espekulasyon matapos ianunsiyo ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa Instagram nitong Biyernes, ay ibinahagi ng 21 taong gulang na aktres na si Heaven ang series of photos nila ng aktor na si Kiko. Makikita sa mga larawan ang nag-uumapaw na kasweetan nina Kiko at Heaven habang nasa empty road kung daan ay magkasamang naglalakad, at pinagsasaluhan ang matamis na yakap at isang forehead kiss.

Credits : Heaven Peralejo | Instagram

Simple at napakaikling caption ang inilakip ni Heaven sa kanyang post, ngunit ang kahulugan nga nito ay napakalalim.

“His infinity,”caption ni Heaven sa kanyang post.

Samantala, ang 26 taong gulang na aktor na si Kiko, ay binura muna ang kanyang mga naunang Instagram post, bago ibahagi ang sweet photos nila ni Heaven na siyang kumpirmasyon ng kanilang relasyon. Sa magkakasunod na larawang ibinahagi ni Kiko sa Instagram, ay makikitang masayang-masaya silang dalawa ni Heaven habang nakikipaglaro sa alaga nilang aso. May larawan ring kuha habang nakaupo sila sa malawak na grassy field. At ang ilang larawan naman ay kuha naman sa loob ng sasakyan kung saan nga ay sweet na sweet sila sa isa’t isa.

Credits : Heaven Peralejo | Instagram

Ang mga larawan naman ay nilakipan ni Kiko ng napaka-sweet na caption na “I love you”. At sa comment section naman ng post ni Kiko ay sumagot naman ng “I love you too” si Heaven.

Unang nakarelasyon ni Kiko noong 2019 si Devon Seron, ngunit ang kanilang relasyon nga ay nagwakas noong nakaraang buwan ng Marso. Ngunit matapos nga ang halos anim na buwan, ay kinumpirma na nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon.

Matatandaan naman na mariing itinanggi noong buwan ng Marso ng aktres na si Heaven na may kinalaman siya sa hiwalayang Kiko at Devon. At ayon nga kay Heaven, ay walang anumang namamagitan sa kanila ni Kiko kundi magkatrabaho lamang sila.

Credits : Heaven Peralejo | Instagram

“Associating me with actors I have scenes with can be easy. At the end of the day, we’re nothing more than just co-actors working with each other.”

Sina Kiko at Heaven ay nagkatrabaho sa teleserye ng ABS-CBN na “Bagong Umaga” kung saan ay umere noong October 2020 hanggang April 2021. At magmula nga nang magkasama sa proyekto, ay nagsimula na ring kumalat ang espekulasyon patungkol sa namumuo nilang relasyon.

error: Content is protected !!