Connect with us

Entertainment

“Hirap kumita”: Heart Evangelista, Binalikan ang Panahong Kailangan Niyang Magpaseksi Para Kumita ng Pera

Ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista ay isa na ngayong matagumpay na personalidad sa industriya ng showbiz. Ngunit, bago pa man marating ni Heart ang tinatamasang tagumpay ngayon, ay matinding hirap at mga pagsubok ang kanyang pinagdaanan.

“People may say this and that because they only see the ‘finished product’ but nobody knows what you had to go through to be where you are so… cheers to life!”, ito nga ang pahayag ni Heart matapos balikan ang kanyang pinagdaanan.

 

Nito lamang ika-18 ng Marso, ay binalikan ni Heart ang panahong kailangan niyang magpaseksi para kumita ng pera. At ito umano ang panahon na kinumpiska ng kanyang inang si Cecile Ongpauco ang kanyang pera, kung kaya’t kailangan niyang gumawa ng paraan para kumita ng sariling pera.

At isa nga sa mga ginawa ni Heart, ay ang pagtanggap sa isang proyekto kung saan ay kinailangan niyang magsuot ng seksing damit para sa calendar pictorial na kailangan sa endorsement ng kilalang brand ng alak.

Matindi nga ang pinagdaanan ni Heart noon, dahil bukod sa kailangan niyang kumayod para kumita ng pera, ay ito rin panahon na mainit ang isyu sa relasyon nila ng Senador na si Francis “Chiz” Escudero noon. Ito nga ay naganap noong taong 2013-2014. Dahil nga sa tutol ang mga magulang ni Heart sa relasyon nila ni Chiz, ay talagang sinupil nito ang marangyang pamumuhay ng aktres. Ngunit, hindi nga napigil ang pag-ibig ni Heart kay Chiz, na ngayon nga ay kanya ng ganap na asawa.

Samantala, ibinahagi naman ni Heart sa Instagram stories ang kanyang karanasan sa pictorial ng kilalang brand ng alak bilang calendar girl noong 2014. Makikita na wala sa loob ni Heart ang pagsuot ng sexy tulad ng one-piece at two piece swimsuit.

Sa isang larawan ay makikita na nakaupo sa driver’s seat ang aktres habang nakabukas ang pintuan ng blue na kotse. Makikita na talagang napakaseksing ni Heart sa nasabing larawan.

“I can’t believe I did this hahah #tanduay shoot 2014.”

“My mom confiscated my money so I needed to do this. Hahah Hirap kumita.”

Sa isang pang larawan naman ay inamin naman ni Heart, na hindi niya nagustuhan ang layout ng photoshoot. Ngunit, dahil raw sa “pep talk” ng isang kaibigan, ay nakatulong ito upang mairaos ang photoshoot.

Sa Instagram story naman kung saan ibinahagi ni Heart ang larawan na kuha sa behind the scene ng photoshoot, ay makikita na malungkot ang mga mata ng aktres habang nakatingin sa camera. At tila nga napipilitan lamang ito, dahil iniharang pa ni Heart ang kanyang kamay upang matakpan ang kanyang tyan.

“Sad eyes. Stressed. Literally wanted to cry here! Hahaha what an experience.”

Sa isang larawan naman kung saan nakasuot siya ng one piece red swimsuit, ay sinabi ni Heart na ito ang pinakapaborito sa lahat, ngunit inayawan raw ito ng kliyente.

“This was my favorite but it wasn’t too sexy – so they didn’t like it I think! Haha (more me). “Looking back? Glad I did it won’t do it again though.”

Sa kabila nga ng hirap na naranasan, ay laking pasasalamat naman ni Heart dahil hindi siya pinabayaan ng Diyos. At ang lahat ng hirap at lungkot na naranasan ay matagumpay niyang nalampasan dahil na rin sa kanyang pagsisikap at pagtitiwala sa Itaas.

“After 7 years rewatched this painful interview… made me look at my old pictures and struggles nobody knew about … wow all I can say… thank you God for guiding me.”

“I always believe in having a childlike faith… I finally got my happy life.”

“Cheers to where it has taken you! LIVE to the fullest.”

error: Content is protected !!