Connect with us

Entertainment

‘Hindi Tayo Maghihiwalay – Hindi Tayo Masisira’: Masayang Mensahe Ni Angelica Panganiban Sa Kaibigang Si Bea Alonzo Matapos Ang Kanilang Mga Karanasan Sa Buhay

Tunay na sa panahon ngayon ay isang kayamanan ang magkaroon ng isang kaibigan na makakasama mo sa bawat unos na darating sa iyong buhay. ‘Yung maaasahan mo na susuporta sa iyo sa bawat desisyon na gagawin mo hatid man nito ay tagumpay at kabiguan. Isang kaibigan na kasama mo sa kasayahan at palaging naririyan sa panahong kailangan mo ng balikat na masasandalan at maiiyakan.



Sa bawat pagsubok na pinagdaanan ng mag-kaibigang aktres na sina Angelica Panganiban at Bea Alonzo pinatunayan nila walang pwedeng makapaghiwalay at makasira ng tibay ng kanilang samahan. Sa kabila ng mga personal na pagsubok na kanilang parehong hinarap ay nanatili silang naroroon para sa isa’t isa.

At ngayon, pagkatapos ng maraming taon ay muling magkakasama ang mag-kaibigan sa iisang proyekto na pagbibidahan nilang dalawa ang pelikulang “Unbreakable”. Masasabing bagay na bagay talaga kina Angelica at Bea ang pelikula dahil ang istorya ntio ay tungkol din sa isang mag-kaibigan na anuman ang pagsubok na kanilang mga pagdaanan ay hindi nito magagawang sila ay mapaghiwalay.

Sa kabilang banda, masayang masaya namang ang “Exes Baggage” actress ng muling dumating ang pagkakataon na makasama ang kaibigang si Bea dahil noong 2006 pa sila huling nagkasama nito sa Kapamilya teleseryeng “Maging Sino Ka Man”.

Samantala, nagbigay ng nakaka-inspire na mensahe ang 33 taong gulang na aktres sa kanyang Instagram para sa sarili maging sa kaibigan matapos ang mga pagsubok na naranasan nilang dalawa.



Matatandaang ngayong taon lang ay pareho silang dumanas ng kabiguan matapos na hindi maging maganda ang kinahinatnan ng mga kani-kanilang buhay pag-ibig,

Photo credits: iamangelicap | Instagram

“Dear Mami Mariel, Ilang araw na lang mula ngayon, makikilala na tayo ng mundo. Tinupad na ng Diyos ang pangarap natin na, makatrabaho ang isa’t isa. Hindi man sa pinaka madaling paraan,, pero nangyari. NANGYAYARI NA. Katulad na lang noon, na hindi tayo makapag hintay na makatrabaho ang isa’t isa, hindi rin tayo makapag hintay ngayon na makilala nila tayo. Sa hindi din nila inaasahang journey ng maturity na meron tayo ngayon”.

“Hindi tayo maghihiwalay. Hindi tayo masisira. Kaibigan kita habang buhay. Walang makakasira satin. I love you mami bei” share pa ng “Playhouse” actress.

Tunay na nakakatuwang subaybayan ang pagkakaibigan nila Angelica Panganiban at Bea Alonzo.

error: Content is protected !!