Connect with us

Entertainment

”Hindi siya madali”‘: Jake Ejercito, Inamin na Hindi Madali Ang Co-Parenting Setup Nila Ng Kanyang Dating Partner Na Si Andi Eigenmann Para Sa Kanilang Anak

Sadyang may mga bagay sa ating buhay na nauuwi sa hindi pagkakaunawan. Kagaya na lamang nga ng pagsasama ng dating magkasintahan na sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito. Ang kanilang dating matamis na pag-iibigan na nagbunga ng isang supling sa huli’y nauwi sa paghihiwalay.

Credits: Jake Ejercito | IG

Bagama’t, nauwi sa hiwalayan ang pagsasama nina Andi at Jake, ay hindi naman nila nakalimutan ang kanilang responsibilidad bilang mga magulang sa kanilang anak na si Ellie. Kung saan nga, ay may pinag-usapan silang co-parenting setup para kahit hiwalay na sila ay maayos parin nilang mapalaki ang kanilang anak.

Tila hindi naman madali ang lahat para sa magkabilang panig bago mauwi sa isang magandang usapan ang patungkol sa co-parenting setup nina Andi at Jake. At kamakailan lamang nga, sa isang panayam kay Francine Diaz, ay nagkwento ang aktor tungkol sa pagiging ama niya kay Ellie.

Credits: Andi Eigenmann | IG

Ayon nga kay Jake na tinawag na “active kid” ang kanyang anak na si Ellie, ang madalas nilang bonding ay ang pagbabasa ng libro. Ngunit, pag-amin nga ni Jake, ay pinipilit pa niya si Ellie sa pagbabasa dahil nga nasanay itong mag-beach o mag-bike sa Siargao.

“Si Ellie kasi she’s very active eh especially ‘pag nasa Siargao siya. Lagi ‘yang nasa beach or nagba-bike. So, ang gusto kong matutunan niya is ‘yung magbasa ng books. So whenever she’s with me, nahihirapan ako, pinipilit ko siyang magbasa. So, we started with Harry Potter.”

Credits: Jake Ejercito | IG

Pag-amin naman ni Jake, dahil nga madalas na nasa poder ng kanyang ina si Ellie, ay talagang sinusulit ni Jake ang bawat sandali kapag kasama niya ang kanyang anak.

“Kasi ‘yung setup nga namin, I’m not always with her. Most of the time kasama niya ‘yung mommy niya sa Siargao. So, whenever she’s with me, laging memorable kasi sinusulit ko lagi ‘yung pagkakataon. Kaya nga kahit ayaw ko man, I have no choice but i-spoil siya kasi minsan lang kami magkasama.”

Samantala, naikwento rin ni Jake na sa pagdating ni Ellie sa kanyang buhay, ay napakalaki ng kanyang pinagbago. Kung dati nga raw, ay puro barkada ang nasa isip niya, nang magkaroon na ng Ellie sa mundo niya ay nalaman niyang mas prayoridad niyang alagaan ito.

Credits: Jake Ejercito | IG

“As I said 21 lang ako (at the time he became a father). So ‘yung time na ‘yun parang ang priority ko lumabas, magbarkada, tambay, hangout. So when Ellie came, talagang nagbago ang mundo ko. Hindi na lang sarili ko ‘yung iniisip ko. I have someone to look after, alagaan.”

Masaya rin si Jake na sa paglipas ng panahon at paglaki ng kanyang anak, ay nakikita niya na lumalaking mabuting tao si Ellie. At sa paglaki ng kanyang anak bilang isang mabuting tao, ay may bahagi siya bilang isang magulang.

“So, I guess ‘yung different joy ‘yung nararamdaman ng isang magulang because habang lumalaki ‘yung anak, nakikita mo ‘yung progress. And alam mong part ka nun. And it’s because of you kaya the person your child is becoming is also somehow because of you. Very fulfilling.”

Credits: Andi Eigenmann | IG

Sa nasabing panayam rin ay inamin ni Jake na hindi naging madali ang pinagdaanan nila ni Andi sa co-parenting setup nila sa kanilang anak na si Ellie. Pag-amin nga ng aktor, ay inabot rin ng ilang taon bago nila tuluyang natagpuan ang “right balance” para sa co-parenting setup nila.

“Hindi siya madali. And marami na rin kaming pinagdaanan bago kami dumating sa point na ‘to na we found the right balance. Madami kaming pinagdaanan na ups-and-downs na parang roller coaster.”

At dahil nga pareho silang 21 taong gulang noon ni Andi, na kung saan nga ay hindi pa mature ang pag-iisip para kapakanan ng kanilang anak, kung kaya’t maraming taon pa ang lumipas bago raw nila unahin ang kapakanan ng kanilang anak.

Credits: Jake Ejercito | IG

“Siyempre, when we became parents, twenty-one lang kami pareho. Then siyempre ‘yung pride, ‘yung maturity. So it took a while. Years before kami dumating sa point na ‘to na inuuna na namin ‘yung welfare ni Ellie.”

error: Content is protected !!