Connect with us

Inspiring

“Hindi pwedeng ipilit kung talagang hindi nagkakasundo”: Carla Abellana, Ibinahagi ang Karanasan Bilang Produkto ng Isang Broken Family

Ang mga napapanood na teleserye sa telebisyon, ay hindi naman maitatanggi na ang ilang kwento ay hango sa totoong buhay. Tulad na lamang nga ng teleseryeng mapapanood sa GMA na “Love of My Life” na pinagbibidahan ng aktres na si Carla Abellana.

Photo Credits: Google.com

Ang takbo ng kwento, ay may malaking bahagi sa buhay ni Carla. Dahil ang tema ng teleserye ay tumatalakay sa pagkasira ng pamilya. At bilang produkto ng isang broken family, ay nakakarelate si Carla sa takbo ng istorya kung saan ay madali niyang maramdaman ang mabibigat na eksena. Sa panayam nga ng GMA kay Carla, ay ibinahagi niya ang karanasan bilang produkto ng isang broken family.

Photo Credits: Google.com




Samantala, ayon nga kay Carla, ay talagang makikita ang reyalidad ng buhay sa teleserye kung anong klaseng pamilya ang meron ngayon ang ilan sa modernong panahon. Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami ang pagkakahiwalay ng mga magulang ni Carla na sina Rey “PJ” Abellana at Aurea Reyes. Ngunit sa kabila ng pagkakaroon ng broken family, ay hindi ito naging hadlang sa aktres upang ipagpatuloy ang buhay at magkaroon ng maayos na buhay.

Photo Credits: Google.com

Photo Credits: Google.com

Binigyang-diin naman ni Carla, na hindi naman kailangang maapektuhan at maging broken rin ang isang tao sa mahabang panahon sa pagkakaroon ng hindi perpektong pamilya. Dahil, kahit galing sa isang broken family, ay maaari pa ring magkaroon ng masayang buhay at maayos na kinabukasan.

Pahayag nga ni Carla , ay hindi naman kailangang ipilit pa kung hindi naman na talaga nagkakasundo.

Photo Credits: Google.com

“Pwede namang mag-work pa rin ‘yung relationships, ‘yung pinaka-unit ng family talaga pero I guess it doesn’t apply to everybody. Siguro hindi rin pwede ipilit kung talagang hindi nagkakasundo,” pahayag ni Carla sa panayam ng GMA.

Samantala, ibinahagi naman ni Carla na ang teleserye na kanyang kinabibilangan nagpapakita ng tunay na salamin ng isang modernong pamilya, na kahit hindi magkasundo at may pagtatalo, ay nauuwi parin sa pagkakaisa at lumalabas ang tunay na puso kapag pamilya na ang pinag-uusapan. Saad pa nga ng aktres, ay hindi rin umano kailangan na maging kadugo upang ituring bilang kasapi ng pamilya.

Photo Credits: Google.com

“At least na maganda na ngayon, 2021 na, may ganitong kwento, may ganitong teleserye tulad ng Love Of My Life, na nagpapakita na ‘yung ganitong setup, ‘yung ganitong klaseng pagka-modern na family na hindi laging nagkakasundo but, at the end of the day, family pa din kayo.”

“So mapipilitan ka, you really have to accept that this is your family now. It should work, there are or there is a way to make it work naman talaga.”

“So family is family pa rin kahit na hindi kayo necessarily magkakadugo,”




Sa huli ay nagpasalamat naman si Carla sa kanyang mga tagahanga na patuloy na sumusuporta sa kanyang karera. Nagpasalamat rin ang aktres sa tagumpay na tinatamasa ng “Love of my Life” na nangunguna ngayon sa ratings.

error: Content is protected !!