Connect with us

Entertainment

‘Hindi niya talaga ako type dati’: Enzo Pineda, Inamin na Hindi Talaga Siya Type ng Kanyang Girlfriend na Si Michelle Vito Bago Maging Sila

Ang aktor na si Enzo Pineda ay nakilala ng publiko magmula nang mapabilang sa talent reality show na StarStruck. At dito nga ay pinatunayan ni Enzo ang kanyang husay at talento dahilan nga kung bakit isa siya sa pinakasikat na artista ngayon sa showbiz.

Samantala, kasabay naman ng matagumpay niyang karera ay ang kanyang makulay na buhay pag-ibig sa piling ng kanyang girlfriend na si Michelle Vito. Sina Enzo at Michelle ay naging magkatrabaho noong 2019 sa teleserye ng ABS-CBN na “Nang Ngumiti Ang Langit”. At dito nga nagsimula ang kanilang pagtitinginan na nauwi sa matamis na pag-iibigan matapos ang kanilang proyekto.

Photo credits: Enzo Pineda | IG

Ang celebrity couple na sina Enzo at Michelle ay isa nga ngayon sa naghahatid ng kilig sa kanilang mga tagahanga. Ngunit, kahit ilang ulit nang nasaksihan ng madla ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa, ay may mga bagay pa ring hindi nalalantad tungkol sa kanilang relasyon na kamakailan nga lamang ay ibinahagi ni Enzo.

Photo credits: Enzo Pineda | IG

Pag-amin nga ni Enzo, matapos maranasan ang matinding pagsubok na hatid ng pandemya ay mas lalong naging malalim at matured ang relasyon nila ni Michelle ngayon. Ayon nga sa aktor, ay mas naging close umano sila ni Michelle magmula nang magkaroon ng pandemya. At higit nga sa lahat ay nabago rin ang pananaw at priorities niya sa buhay.

“Tingin ko mas naging close kami because of the pandemic and mas naging stronger yung relationship namin in a sense na mas naging mature especially lalo na ako k,asi before I used to go out a lot. Now, because of the pandemic, there’s been a change of perspective, iba na rin yung mga priorities ko in life.”

Inamin rin ng aktor na dahil kay Michelle at sa pamilya ng aktres, ay malaki ang nabago sa kanyang buhay, na kung saan nga ay nagustuhan rin niya ang bagong buhay na meron siya ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Enzo Pineda (@its_enzopineda)

“And because of Michelle and her family, hindi naman sa sinasabi kong wala ako sa tamang daan, pero I like who I am right now because of the pandemic and of course dahil kay Michelle.”

Samantala, pagdating naman sa relasyon nila ni Michelle ay inamin rin ni Enzo na noong una pa lamang bago maging sila ng aktres ay hindi talaga siya nito type. Ngunit, dahil nga siya raw ang pinakamapagmahal at pinakamaalaga sa mga manliligaw nito, ay siya ang sinagot ng aktres.

“Hindi niya talaga ako type dati. Isa sa mga list ng suitors niya. So nagkataon na isa ako sa pinaka-persistent, loving, caring,”pahayag ni Enzo.

Malaki naman ang pasasalamat ng celebrity couple na sa habang nasa gitna ng pandemya kung saan laganap ang sakit, ay wala isa man sa kanilang pamilya ang nakaranas ng matinding karamdaman.

Photo credits: Enzo Pineda | IG

“Meron lang the usual high blood sa family, mga ganun. Pero nothing critical kumbaga.”

Ibinahagi naman ni Enzo na bagama’t masaya at puno ng pagmamahalan ang kanilang relasyon, ay may biggest challenge siya pagdating sa paghahanap ng tamang regalo para kay Michelle. Ayon nga sa aktor, may mga regalo naman siyang nagustuhan ng kanyang nobya ngunit may mga pagkakataon ring nagkakamali siya. Kaya naman, sana raw ngayong pasko ay mabigyan niya ng tamang regalo si Michelle na talagang magugustuhan nito.

Photo credits: Enzo Pineda | IG

“Usually yung mga gift ko sa kanya, bihira ako makatama eh. So hopefully sa Christmas magustuhan niya yung gift na ibibigay ko sa kanya. Pero nung birthday niya okay naman. Pero may mga times na magbibigay ako ng bag pero wrong size pala. So hopefully sa mga experience ko, mas maganda na and makukuha ko yung gifts na magugustuhan niya.”

error: Content is protected !!