Connect with us

Entertainment

Hindi Natupad ang Pangarap na Maging US Navy ng Aktor na si Jay Manalo Matapos Maiwan ng Barko Kaya Bumagsak sa Pag-aartista, Wala ring Balak na Ipasok sa Showbiz ang mga Anak

Inamin ng batikang aktor na si Jay Manalo na nagkaroon siya ng 12 na anak mula sa anim na babae na kanyang nakarelasyon. Ngunit, sa dami ng kanyang naging anak, isa man sa kanila ay hindi sumunod sa kanyang yapak sa showbiz upang mag-artista.

Hindi man pumasok ng showbiz, ay masisipag naman sa pag-aaral ang mga anak ni Jay. Sa 12 niyang anak, ay 5 na ang naka-graduate sa college at ang isa naman ay nasa first year college na ngayon. Samantalang ang kanyang bunso ay bata pa, at may mga teenager na rin siyang anak sa kanyang asawa.

Ano kaya ang dahilan ng aktor kung bakit sa dami ng kanyang mga anak ay walang nag-artista sa mga ito? Sa virtual interview ng PUSH kay Jay, ay ibinunyag ng aktor, na hindi niya talaga hinihikayat ang kanyang mga anak na pumasok ng showbiz.

Aniya, “Kasi nade-defocus once na nakatikim na ng either fame or fortune. Nawawala na yung pokus sa pag-aaral. Maraming ganon, eh.”

Nilinaw naman ni Jay na hindi niya naman nilalahat ngunit ayon pa sa aktor, ay nakakalimutan na umano ang makapagtapos ng pag-aaral kapag nakatikim ng kasikatan at tagumpay. At dahil nga, mahalaga kay Jay ang edukasyon ang nais niya para sa kanyang mga anak ay maging priority ng mga ito ang pag-aaral.

“Ako kasi sa akin nga, lahat ng trabaho pinasukan ko hanggang sa itong showbiz nga. Ito yung nagsuporta sa akin at nagsuporta sa mga anak ko para makapag-aral. Ituloy-tuloy ko nalang ang obligasyon ko sa kanila, kung ano yung aim ko para sa kanila.”

Isa pang dahilan na ibinahagi ni Jay, wala raw umano sa kanyang mga anak ang may hilig sa pag-aartista.

Samantala, ibinahagi rin ni Jay kung paano siyang tumayong ama sa kanyang mga anak. At bilang isang ama, ay hindi raw ugali ni Jay ang mamalo ng bata dahil pinagdaanan na niya ito. Ang ginagawa raw niya ay dinidisiplina niya ang kanyang mga anak sa pamamagitan ng galit niyang boses na kinakatakutan naman ng kanyang mga anak dahilan kung saan hindi na niya kailangan gumalaw o tumayo para lamang sumunod sa kanya.

Matatandaan naman noong 1990 nang sumabak si Jay sa showbiz at naging talent ng Viva nang gawin ang pelikulang pelikulang Brat Pack kasama si Gary Estrada. At dahil sa ipinamalas na husay ni Jay ay bumuhos ang mga pelikula sa kanyang karera sa ilalim ng Viva kung saan ay dinala siya sa tagumpay at nagkamit ng mga acting awards.

Sa pagbabalik Viva ni Jay, ay inamin niya na hindi pag-aarista ang talagang pangarap niya sa buhay kundi maging isang US Navy. Ngunit, isang pangyayari ang hindi inaasahan ng aktor ang nagpabago sa takbo ng kanyang buhay, na ngayon nga ay isa ng sikat na artista.

“Draftee na ako sa US Navy, naiwan lang ako ng barko noon sa Subic, 1992 yon, birthday ko mismo. Ilang buwan ko ring iniyakan yon kasi ang tagal kong in-apply yon, US Navy. Tapos biglang naiwanan ako ng barko.”

Ibinahagi rin ni Jay na maliban sa pag-aartista ay pinasok rin niya ang pagiging isang basketball player na talagang minahal niya. Ngunit, sa kasamaang palad ay naaksidentesiya habang naglalaro  ng basketball na nagdulot ng pinsala sa kanyang tuhod. At dahil nga dito, ay naisip ni Jay na pagtuunan na lamang ng pansin at magpokus na lamang sa pag-aartista.

“Nung nag-aartista na ako sinubukan ko ring maging basketball player. Minsan pinagpapalit ko ang basketball kesa sa shooting at taping. Hindi ako a-attend ng taping o shooting makapag-basketball lang ako. ’Yon ’yong dati kong ano talagang gustong gawin.”

“Hanggang yon nga, naaksidente ako sa basketball. Nasira yung tuhod ko. Doon na nagbukas ang mind ko, ‘Sige, dito na lang ako sa pag-aartista.”

error: Content is protected !!