Connect with us

Entertainment

“Hindi naman po tayo magiging choosy”: Mayor Vico Sotto, Ibinunyag ang Dahilan ng Kanyang Pagiging ‘No Girlfriend Since Birth’

Marami ang humahanga sa masipag at madiskarteng Mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Hindi rin maikakaila ang taglay na kagwapuhan ni Mayor Vico, na kung saan ay nagmana sa kanyang amang si Vic Sotto. Ngunit, sa kabila ng magagandang katangian ni Mayor Vico, ay nananatili siyang single sa edad na 31, at hindi lamang basta single kundi “no girlfriend since birth” pa.

At nang minsang maka-one on one interview sa GMA News sa programang “Bawal ang Pasaway” ng enocomist at professor na si Solita Monsod na mas kilala bilang si Mareng Winnie, ay ibinunyag nga ng gwapong Mayor ng Pasig ang dahilan ng kanyang pagiging “No GF since birth”.

Photo credits: Vico Sotto | IG

Tila nga maraming pinagkakaabalahan si Mayor Vico, at wala ng oras pa para sa kanyang love life. Ayon nga rito, ay busy siya lalo na ngayong maraming problema ang kinakaharap ang kanyang nasasakupan, kung kaya’t kailangan niyang mag-focus sa paglilingkod.

Photo credits: Vico Sotto | IG

Matapos ang mainit na pagbati ni Mareng Winnie, ay agad nga nitong tinanong si Mayor Vico kung nakailang girlfriend na ito. At agad nga itong sinagot ng Mayor ng Pasig at sinabi:

“Wala ho, masyadong naging busy, lalo na po ngayon. Busy sa trabaho e.”

Photo credits: Vico Sotto | IG

Agad namang nasundan ang katanungang ito, kung saan tinanong ni Mareng Winnie kung may kinalaman ba ito sa hindi matagumpay na relasyon ng kanyang mga magulang noon. Sagot naman ni Mayor Vico, ay sadyang hindi niya lang prayoridad ang magkaroon ng love life ngayon, dahil focus lang muna siya sa trabaho at nilinaw rin niya na walang kinalaman ang kinahantungan ng relasyon ng kanyang mga magulang sina Coney Reyes at Vic Sotto noon.

Photo credits: Vico Sotto | IG

“Hindi ko lang plano. Lalo na ngayon,last thing on my mind ika nga (ang relationship). Talagang focus muna sa trabaho.”

Sa nasabing panayam, ay ibinahagi naman ni Mayor Vico ang kanyang tipo ng babae na nais niyang makasama habang buhay. At ang nais nga ng gwapong Mayor, ay babaeng matalino, basta may hitsura at higit sa lahat ay pareho sila ng wavelength nang sagayon ay may mapag-usapan sila lalo na pagdating sa pulitika at pamamalakad.

Photo credits: Vico Sotto | IG

“Hindi naman po tayo magiging choosy, gusto ko sana yung matalino, may hitsura naman, wala naman special talaga. More than matalino, gusto ko sana same wavelength kami lalo na sa topic ng governance.”

Nang tanungin naman kung kailan niya balak mag-asawa, ay agad naman niya itong sinagot at sinabi na plano niyang mag-asawa bago siya tumuntong sa edad na 40.

“Diyos na po ang bahala. Tumatanggap naman ako ng aplikante,”biro naman ng Mayor ng Pasig.

error: Content is protected !!