Connect with us

Entertainment

“Hindi naman kami,ah. Bakit siya nagpo-propose?”: Kristine Hermosa, Nag-walk Out Nang Biglaang Mag-propose Sa Kanya Noon Si Oyo Sotto

Sino nga ba ang mag-aakalang ang mag-asawang sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa ay hindi naman talaga magkasintahan nang magpropose si Oyo sa kanyang misis na ngayong si Kristine.

Nito lamang ika-1 ng Pebrero ay naging bisita ng TV host na si Toni Gonzaga sa kanyang online show na Toni Talks ang mag-asawang sina Oyo Sotto at Kristine Hermosa, kung saan nga ay natunghayan ng publiko ang kanilang kakaibang love story.

Photo credits: tonitalks | Youtube

Sa nasabing panayam ay nabunyag ang kakaibang marriage proposal ni Oyo kay Kristine. At nabunyag rin sa publiko na bago pala sila maging engaged couple, ay magkaibgan lamang sila at walang relasyon. Sa pagbabalik tanaw nga ni Oyo ay naikwento ng aktor na bagama’t may nararamdaman na siya sa aktres noon, ay hindi raw talaga sila magkasintahan bago magpakasal.

Kwento nga ni Oyo, ay malapit na ang birthday ni Kristine noon nang maisipan niyang mag-propose. Bagama’t nagdadalawang isip, ay dala-dala niya ang kanyang ipinagawang engagement ring para sa aktres sa isang Bible study kung saan ay naroon rin si Tin. Inamin rin ni Oyo na hindi siya sigurado kung itutuloy niya ang proposal dahil hindi pa siya handang lumagay sa tahimik ng mga sandaling iyon.

“Basta dala ko lang ang singsing. Kasi kapag inisip ko, pwede namang hindi ako mag-propose. Gift ko na lang sa kanya… Nakakatawa pero ganu’n talaga ’yong nasa isip ko,” pag-amin niya.

Photo credits: Kristine Hermosa-Sotto | IG

Wala rin daw ideya ang kanyang mga pinsan at ang kanilang Pastor sa kanyang plano na mag-propose kay Kristine. Kaya naman, talagang ikinabigla ng lahat ang naganap na proposal. Bago maganap ang proposal ay pinayuhan pa si Oyo ng kanilang Pastor na pag-isipang mabuti ang gagawing hakbang.

“Sabi ko, ‘Coach, magpo-propose na ako.’ Lahat sila na-shock. ‘Anong magpo-propose? Pinag-iisipan ’yan, bro.’ S’ya bigla ’yong kinabahan, e. Sabi n’ya, ‘Pinag-iisipan ’yan. Wag kang bigla-bigla.’ Sabi ko, ‘Nandito na ’yong singsing, e.’ So, lahat sila na-shock.”

Ngunit, tila nakapagdesisyon na talaga si Oyo na sa mismong birthday ni Tin siya mag-propose para alukin itong magpakasal sa kanya. Nang mga oras nga na kinakantahan ng lahat si Tin ay doon na nga isinagawa ang kanyang plano. Matapos banggitin ang isang nakakaantig na mensahe para sa aktres, ay sinabi niya ang mga katagang “Will you marry me?”, sabay luhod na dala-dala ang matinding kaba sa kanyang dibdib.

“Sabi ko, ‘I want to honor you. Gusto ko lang magpasalamat sa’yo…’ Basta gumanu’n ako sa kanya. Hindi ako umiyak pero kinakabahan ako,” pagbabalik-tanaw pa n’ya.

“‘Sa mga times na na-offend kita, sorry.’ Ganyan, ganyan. Tapos ayon na. ‘Pero may isang tanong lang ako.’ Parang ganu’n. Lumuhod ako tapos nilabas ko ’yong singsing. Sabi ko, ‘Will you marry me?’”

Photo credits: Kristine Hermosa-Sotto | IG

Ikinagulat nga ng lahat ang kanyang ginawa, at si Tin nga ay sobrang nagulat rin dahilan para mag-walk out.

Kwento naman ni Kristine, ay hindi niya talaga inaasahan ang ginawa ni Oyo at ikinabigla niya ito kaya bigla na lang siyang umalis at nagtago pansamantala sa likod ng bahay ni Danica. Sa kabila ng kanyang labis na pagkagulat, habang nagtatago ay taimtim na nagdasal si Tin para gabayan siya ng Diyos sa kanyang magiging kasagutan.

At sa kanyang pagbabalik nga, ay naabutan niya paring nakaluhod si Oyo sa loob ng bahay habang hawak ang singsing at naghihintay ng kasagutan. Dito nga, ay ibinigay ni Tin ang kanyang matamis na “Yes”.

“Nagdasal ako. Nagdasal talaga ako. Sabi ko, ‘Lord, ano ito? Bakit ganito? Hindi naman kami, ah. Bakit s’ya nagpo-propose?’ Sabi ko, ‘God, this is urgent.”

Hindi rin inasahan ng mga taong naroon ang kanyang kasagutan, kaya isip ng mga ito ay napilitan lamang si Tin sa kanyang sagot. Ngunit, tiniyak ng aktres na hindi siya napilitan at bukal sa loob niya ang kanyang naging pasya.

Samantala, sa kanilang pagbabalik tanaw, ay inamin ni Tin na ang kanyang pag “oo” sa alok ni Oyo ang pinakamagandang desisyon na ginawa niya sa kanyang tanang buhay, na wala siyang pinagsisihan.

Photo credits: Kristine Hermosa-Sotto | IG

“Kapag tinitingnan ko s’ya or looking back du’n sa mga naging buhay ko in the past, sabi ko, ‘God, thank You kasi You spared me. Kung hindi mo ako iniwas sa mga wrong decisions in the past or talagang nagmatigas pa ng ulo hindi ito ’yong napangasawa ko. Hindi rin kami magkakaroon ng ganitong anak, ganitong buhay ko. So, no regrets. Sabi ko, ‘Thank You, God.”

Matatandaan na sila Oyo at Kristine ay naengaged noong 2009 at noong 2011 nga ay naganap naman ang kanilang pag-iisang dibdib. Noong nakaraang buwan ng Enero lamang, ay ipinagdiwang ng mag-asawa ang kanilang ika-11 taong pagsasama bilang mag-asawa. Ang kanilang masayang pagsasama naman, ngayon nga ay biniyayaan na ang limang anak, sina Ondrea, Kristian Daniel, Kaleb, Marvin, at Vittorio Isaac.

Nagsimula bilang magkaibigan sina Oyo at Kristine matapos maging magkatrabaho sa pelikulang Enteng Kabisote kung saan gumaganap sila bilang mag-ina noong 2004. Ngunit, sa ikatlong bahagi ng pelikula noong 2006 ay tuluyan nang umibig si Oyo sa napakagandang aktres.

 

error: Content is protected !!