Connect with us

Stories

“Hiling niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua” Lolit Solis, Naiyak sa Pinadalang Sulat ni Kris Aquino Sakanya

  • Hindi napigilan ni Manay Lolit Solis ang mapaluha ng mabasa ang liham na ipinadala sakanya ng beteranang aktres na si Kris Aquino. 
  • Ayon kay Manay Lolit Solis, napapaloob sa liham ni Kris ang nakakaiyak na kahilingan ni Kris na gusto pa nitong mabuhay.
  • Gusto umano ni Kris na bago man lang siya mawala ay maabutan nya muna sa hustong edad si Bimby na kayang alagaan ang kanyang kuya Joshua.

Nagpadala ng sulat ang beteranang aktres na si Kris Aquino sa kilalang kolomnista na si Manay Lolit Solis, dahilan upang ihayag ni Manay Lolit na talagang naiyak siya sa sulat ni Kris sakanya.

Hiniling diumano ni kris na sana ay mabuhay siya hanggang sa makita niyang kaya ng alagaan ng anak na si Bimby ang kuya nitong si Joshua.

“Umiyak ako sa letter ni Kris Aquino, Salve. Umiyak ako sa parte ng hinihiling lang niya na sana mabuhay siya hanggang marating ni Bimby ang edad na puwede na niya alagaan si Joshua. Iyon mabuhay siya para na lang sa dalawang anak niya. Tanggap niya na nahihirapan siya sa kanyang sakit, at talagang napi feel niya kung minsan iyon hirap na hindi na niya makaya at hirap na siya kahit sa pagsusulat.”

Nalungkot diumano si Manay Lolit dahil nakikita niya ang hirap na pinagdaraanan ngayon ng aktres at damang dama niya ito sa kanyang sulat. Isa pa sa mga ikinalulungkot ng kolumnista ay ang mga netizens na nagbibigay pa ng negatib sa pinagdaraanan ng aktres.

“I was so sad reading her letter dahil talagang ipinagtapat niya iyon pain na nadarama niya. Nakaka lungkot na negative pa iyon iba sa reaction nila kay Kris at hindi alam kung ano ang pinagdadaanan nito sa health niya.”

Ibinahagi din ni Manay Lolit na nilalaksan nalang ni Kris ang kanyang loob at kinakaya ang mga sakit na nararamdaman upang hindi mag-alala ang mga tao na nasa paligid nito.

“Kitang-kita mo ang pagpayat ni Kris, sign na talagang may nadaramang sakit. Hanga ka nga sa kanya dahil kinakaya niya ang pain at pinipilit ang katawan para hindi masyado mag alala ang mga tao sa paligid niya.”

Photo credits: google.com

Nagbigay naman ng paalala si Manay Lolit sa mga netizens na mahilig mangbash sa aktres na sana ay maging malambot ang puso ng mga ito kay Kris, at sana ay gabayan at ipagdasal sana natin ang pagaling ni Kris para narin sa kanyang pamilya at sa mga anak.

Ayon pa sa sikat na kolumnista na hindi kailangan ngayon ni Kris ang mga negatib na komento dahil kailangan niya na lumakas ang loob para sakanyang mga anak, ayaw umano nito na maapektohan din ang kanyang mga anak.

Pagbabahagi ni Manay Lolit Solis na,

“She is worth loving, dahil isa si Kris Aquino sa totoong tao sa showbiz. Be kind to her. Love her.”

Photo credits: google.com

Sa isa pang mahabang post ni manay Lolit Solis ibinahagi niya na,

“I honor the courage of Kris Aquino, Salve. Naalala ko na naman iyon letter niya na nagpa iyak sa akin dahil sa line na sinabi niya na feeling niya hindi magtatagal ang life niya. Her only fear is napakabata pa ni Bimby para mag alaga kay Joshua. Isang mother na takot maiwan ang mga anak. Sana naman mali ang pakiramdam ni Kris Aquino. Sana naman hindi ganuon ka serious ang kanyang sakit. Sana naman gumaling siya, makitang malaki na ang anak na si Bimby at matured enough na alagaan ang kuya na si Joshua. Nahihirapan na si Kris sa kanyang sakit pero pinipilit parin niya na maging matatag dahil sa mga anak. We wish na sana malagpasan ito ni Kris Aquino, na magkaruon ng miracle sa buhay niya, na maging healthy siya physically at emotionally para sa mahabang buhay. We love you Kris ❤️ Fighting”

 

 

 

 

error: Content is protected !!