Hidilyn Diaz, Nakatanggap Na Ang Ipinangakong Napakagandang Condominium Unit na Nagkakahalaga P14 Million

Nakakaproud naman talagang maging isang Pinoy dahil kahit saang larangan man, ay talagang maipagmamalaki ang talento ng nating mga Pinoy. Kamakailan lamang nga ay bumuhos ang pagbati at papuri ang Filipina weightlifter na si Hidilyn Diaz matapos maiuwi ang gold medal para sa Tokyo 2020 Olympics.

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Dahil nga sa nakamit na tagumpay at pagdala ng karangalan sa ating bansa, ay bumuhos rin ang natanggap na gantimpala ni Hidilyn. Upang bigyang pugay ang pagkapanalo ni Hidilyn ng kauna-unahang gold medal mula sa Olympics sa kasaysayan ng Pilipinas ay inulan siya ng samu’t saring pledge mula sa ating mga kababayan.

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Maliban sa pledge na cash na nagkakahalaga ng P38 million, ay nakatanggap rin si Hidilyn ng bagong sasakyan, house and lot, condo unit at maraming libreng supply ng pagkain, damit, gasolina, libreng flights at maraming pang iba nang lifetime.

Isa sa inaabangang dapat matanggap ni Hidilyn ay ang ipinangakong condo unit na nagkakahalaga ng P14 million. At nito lamang ika-9 ng Agosto, ay natanggap na nga ni Hidilyn ang susi ng kanyang bagong tahanan sa Metro Manila, ang kanyang bagong condo.

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Ang napakagandang two-bedroom fully furnished na condo unit na nagkakahalaga ng P14 million, ay tinurn over na ng real estate company na Megaworld Corporation bilang pledge matapos niyang mauwi ang gold medal para sa Tokyo 2020 Olympics.

Mismong ang Executive Vice President and Chief Strategy Officer ng Megaworld Corporation na si Kevin Tan, ang nag-abot ng susi ng condo kay Hidilyn. At inilibot rin ang weightlifter sa bago at napakaganda nitong property.

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Sa Instagram ay ibinahagi ni Kevin ang larawan nila ni Hidilyan na nagpapatunay na naibigay na niya ang ipinangakong condo unit. Sa caption ng kanyang post, ay pinuri naman ni Kevin ang magagandang katangian ni Hidilyn na talagang humanga matapos makita ang weightlifter.

“Having spent some time with her this morning, I am totally blown away by her humility and her dedication to her sport. It was indeed a very challenging road to the 2021 Tokyo Olympic games. But she marched on with so much commitment and perseverance and brought home our first Gold medal.”

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Maliban sa condo, ay ibinigay na rin ni Kevin ang isang napakagandang charcoal painting na obra ni John Ken Gomez, isang 21-year-old Fine Arts student na mula sa Far Eastern University.

Credit: Hidilyn Diaz | Instagram

Samantala, kasama ng mga larawan sa IG post ni Kevin, ay mga larawan na kuha sa iba’t ibang bahagi ng napakagandang condo. Nangako rin si Kevin na maglalaan sila ng spot sa gym ng condo para paglagyan ng equipment ni Hidilyan at makapagtraining ito.

“Maraming Salamat @hidilyndiaz for the pride and joy you have brought to all your Countrymen.”