Connect with us

Stories

“Hey Jude” Janella Salvador, Ibinahagi ang Kanyang Pregnancy Journey, Ipinakilala din sa Publiko ang Kanilang Cute na Baby Boy na Pinangalanan nilang Jude

Matatandaan na noong taong 2019, nagsimula ang pag-iibigan ng 22 taong gulang na aktres na si Janella Salvador at boyfriend nitong si Markus Paterson. Ngunit, hindi kaagad inamin ng dalawa ang kanilang relasyon, hanggang sa isinapubliko na nga ng magkasintahan ang kanilang relasyon noong Setyembre 2020.




Hindi naman maitatanggi na talagang matindi ang pag-ibig nila sa isa’t isa. Ang kanilang pag-ibig nga ay mas lalo pang naging matibay nang magkasama ng matagal dahil sa pandemya. Naging maugong naman ang balita nitong nakaraang taon, ang pagbubuntis di umano ni Janella kung kaya’t lumipad ito patungong United Kingdom kung saan naninirahan si Markus. Ngunit, sa kabila nito ay wala pa ring naging pahayag ang magkasintahan at nananatiling tahimik lamang ang aktres patungkol sa isyu.

At nito lamang ngang ika-5 ng Enero 2021, araw ng Martes, nang gulatin nina Janella at Markus ang publiko sa kanilang malaking rebelasyon. Ito nga ay dahil sa pag-anunsiyo ng magkasintahan na sila ay may anak na. At sa pamamagitan ng isang video na kanilang ibinahagi sa kanilang YouTube channel, mapapanood ang detalyadong impormasyon sa pregnancy journey ni Janella.

Photo credits: M & J & J | Youtube

Photo credits: M & J & J | Youtube

Isa na ngang ganap na ina ang aktres na si Janella sa kanilang anak ng kanyang boyfriend na si Markus. At base sa video, ay isinilang ni Janella ang isang malusog na baby boy na pinangalanan nilang Jude noong ika-20 ng Oktubre 2020 sa United Kingdom.

Photo credits: M & J & J | Youtube

Mapapanood nga sa video, ang pagsilang ni Janella ng isang malusog na baby boy kung saan ay ipinahayag ng aktres ang kanyang saloobin. Ipinaliwanag rin ni Janella kung gaano kahalaga sa kanya ang anak, dahilan upang matakot siyang ibahagi sa publiko ang anak.

“I was quite nervous about this day because I know how harsh the world could be,”saad ni Janella.




Samantala, mapapanood rin sa video ang footage ng maternity photoshoot ni Janella kasama si Markus. May kuha rin ng kaganapan kung saan ay, bibisita sila sa doktor upang magpacheck up. Sa footage naman na kuha noong May 20 sa Maynila, ibinahagi ni Markus ang pagbubuntis ni Janella, at malalaman na rin nila ang kasarian ng kanilang magiging anak.

Kasama rin sa vlog, ang footage na kuha sa biyahe ni Janella nang magtungo sa United Kingdom noong Setyembre 2020. Bago naman isilang ni Janella ang kanilang anak, ay madalas naman silang magbonding ng kanyang boyfriend na si Markus.

Photo credits: M & J & J | Youtube

Hindi man agad isinapubliko ni Janella ang pagbubuntis at panganganak, ay tila nakatulong naman ito upang mapanatag ang kanyang kalooban at malayo sa stress ang aktres. Ngunit, sa huli ay mas pinili naman ni Janella na ilantad na ang katotohanan sa kanyang mga tagahanga.

error: Content is protected !!