Connect with us

Entertainment

Herlene Nicole Budol A.k.a Hipon Girl Naging Emosyal sa Labis na Kasiyahan ng Ibahagi ang Pagkakaroon ng Bagong House and Lot Nila ng Kanyang Pamilya

Kahit na sino marahil ay maiiyak sa tuwa at kagalakan kung ang isang bagay na iyong pinapangarap na akala mo’y matagal mo pang makakamtan ay makamit mo kaagad sa panahon na hindi mo inaasahan.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Ganito ang naging pakiramdan ni Herlene Nicole Budol a.k.a Hipon Girl ng sa wakas ay matupad na ang matagal na niyang pangarap na magkaroon ng maayos, maganda at kumportableng tahanan para sa kanyang pamilya.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Sa idinaos na Binibing Pilipinas Universe beauty pageant kamakailan lamang ay matatandaan na isa si Herlene sa mga kalahok nito, kung saan sa huli ay hinirang siya bilang 1st runner-up.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Batid natin na noong una ay marami ang nagduda sa kakayahan ni Herlene sa pagsali sa prestihiyosong beauty pageant lalo na nga’t nakilala siya bilang komedyante na hindi demure, hindi proper at hindi pa-girl na malayong-malayo sa personalidad ng isang beauty queen.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Nito lamang nakaran sa pinaka-latest vlog na ibinahagi ni Herlene sa kanyang YouTube channel, ay masaya niyang ibinahagi ang pagkakaroon na niya ng bagong house and lot para sa kanyag pamilya.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Hindi naman niya naiwasan na maging emosyonal, lalo na’t hindi niya inaasahan na sa taong ito ay tuluyang matutupad ang pangarap niya na ito para sa kanyang pamilya. Ibinahagi rin ni Herlene, kung paano niya nakamit ang pangarap niyang house and lot.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Ayon kay Herlene, ang naging pagsali niya sa Bb. Pilipinas Universe ang naging daan para matupad niya ang pangarap niyang tahanan para sa kanyang pamilya.

Ang manager niyang si Sir Wilbert Tolentino ang nag-push sa kanya na sumali sa nasabing beauty pageant, at aminado siya na noong una ay talagang ayaw niya, lalo na’t napakalayo sa personalidad niya ang maging isang beauty queen.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Ngunit in-offeran umano siya nito, na kapag pumayag siya na sumali sa Bb. Pilipinas Universe 2022, ay bibigyan siya nito ng house and lot, matalo man siya o manalo.Ang oportunidad na ito ay hindi na pinalampas pa ni Herlene, agad siyang pumayag sa alok ni Sir Wilbert sa kanya, praktikalan na saad niya.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

“Kahit anong trabaho ko. Kahit sampung taon akong magtrabaho. Makakabili ako ng bahay pero matagal na panahon”, aniya.

Dagdag pa niya, kaya niya tinanggap ang alok ni Sir Wilbert ay dahil iniisip niya na tumatanda na ang kanyang lolo at lola na nagpalaki sa kanya, at nais niyang maranasan ng mga ito ang pagkakaroon ng maganda at kumportableng bahay. Ang malungkot lang, ay hindi na nga ito naabutan ng kanyang lola, na yumao kamakailan lamang.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Ibinahagi naman ni Herlene sa naturang video na nu’ng araw na ‘yon ay mismong araw na babayaran na umano ni Sir Wilbert ang house and lot na ibibigay nito sa kanya. Labis labis naman ang pasasalamat ni Herlene sa kanyang manager, dahil sa pagiging generous nito at sa lahat ng mga ibinibigay nitong oportunidad sa kanya.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Samantala, ang bagong house and lot na ito ni Herlene at kanyang pamilya, ay agad rin nilang pinutahan kasama si Sir Wilbert Tolentino. Akala pa ni Herlene at kanyang pamilya ay kakain lamang sila sa labas, kaya naman lahat sila ay tunay na nasorpresa ng dalhin sila ni Sir Wilbert sa isang magandang tahanan at sabihin nito na ‘yun na ang kanilang bagong bahay.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Kitang-kita naman talaga kay Herlene ang tuwang kanyang nararamdaman, ganun din sa kanyang lolo at mga kapamilya. Masaya nilang nilibot ang bahagi ng naturang bahay, hindi rin nakalimutan ni Herlene na banggitin ang kanyang yumaong lola, na ayon sa kanya ay batid niyang masaya para sa kaniya, nasaan man ito ngayon.

Photo Credits: Herlene Nicole Budol| YT

Maliban pa sa house and lot, ay may katabi ding apartment ang bahay na ito ni Herlene na kasama rin sa binigay sa kanya ni Wilbert, at ang apartment na ito ay isa rin sa mga magiging source of income na ng kanyang pamilya.

error: Content is protected !!