Connect with us

Entertainment

Herlene “Hipon” Budol, Ibinahagi ang kanyang mga Naipatayong Negosyo na Kanyang Naipundar Magmula Nang Magtrabaho sa Wowowin

Matatandaan na marami ang naaliw at nabigyan ng ngiti sa mga labi ni Herlene Budol o mas nakilala sa tawag na Hipon, matapos maging contestant sa Willie of Fortune sa programa ni Kuya Wil na Wowowin. Dahil nga sa pagiging totoo at masayahin, ay agad niyang nakuha ang puso at atensyon ng mga manonood, na maging si Kuya Wil ay napahanga niya. Kaya naman, agad siyang kinuha ni Kuya Wil upang maging isa sa mga co-host ng programa.




Magmula nga ng madiskubre sa Wowowin, ay talagang malaki ang nabago sa buhay ni Hipon. Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami, kung gaano siya kasipag at madiskarte sa buhay. Kaya naman, hindi niya pinalampas ang pagkakataon na maging bahagi ng Wowowin.

At magmula nga nang magtrabaho si Hipon sa Wowowin, ay marami na siyang naipundar. Maliban nga rito, ay naging madiskarte rin si Hipon dahil ang kinikita niya sa trabaho ay inilalagay niya sa negosyo. Ngayon nga, ay marami nang naipatayong negosyo si Hipon.

Photo credits: Herlene Budol | IG

Isa na nga rito ang Chix ni Hips (Chicken, Hipon, Rice Meals atbp.) na matatagpuan sa Angono Rizal na kung saan ay makikita katapat ng Angono Methodist Church. Mag-eenjoy naman ang mga customer dito dahil bukod sa masarap na pagkain, ay libre ang wifi dito.

Pinasok rin ni Hipon ang pagbebenta ng mga damit. Ang negosyo nga na ito ni Hipon na “Herlene’s Clothing” ay matatagpuan rin sa Angono, Rizal. At noong Agosto 2020, ay masayang ibinahagi ni Hipon ang kanyang bagong bukas na negosyo, na ayon sa caption ng kanyang post ay malapit nang matapos. Ito nga ang bago niyang negosyong ‘HIPS SHOP’.

“Ang liit Naman Nyan herlene !! ‘Walang nag uumpisa sa malaki agad. Parang ikaw Nung Bata ka inalagaan at ginabayan ka Ng magulang mo para lumaki ka Ng Kung ano ka ngayon. So magiging mabuti akong magulang para sa business ko. Wag kang mang small Ng iba baka mas lakihan kapa Nyan tyaga lang girl step by step wag ka mawalan Ng pag asa.’GODS WILL. Amen. Almost done Sana mawala na pandemic meet and greet na tayo.”

Talaga namang napakamadiskarte sa buhay si Hipon, dahil bago pa man siya makilala bilang Hipon sa telebisyon, ay namasukan pa siyang Front Desk Staff sa Mayor’s Office sa Rizal. At ang pera naman na kanyang sinasahod, ay inilalaan niya upang mabayaran ang kanyang tuition. Hindi rin naman maikakaila ang taglay na ganda, at kaseksihan ni Hipon, kaya naman marami rin ang kumukuha sa kanya upang maging modelo at ambassador ng iba’t ibang kompanya.




“Wala akong talent. Wala akong kahit anong talent. Kapal lang ng mukha ang nagdala sa akin dito. Kung may talent man ako, pero hindi rin makapal mukha ko, wala rin.”

Napakasipag naman talaga ni Hipon dahil nagagawa niyang pagsabayin ang pagtatrabaho at pag-aaral. Tunay nga na talagang pursigido siyang makaahon sa hirap at maging matagumpay sa buhay.

“Kaya kong pagsabayin, Promise. 15 years old pa lang ako, nagta-trabaho na ‘ko. Dito lang ako masaya. Ayoko nang utus-utusan ako ng mga ano tapos sisigawan pa ako,”sagot ni Hipon nang minsang biruin siya ni Kuya Wil na gawing prayoridad ang kanyang pag-aaral at tatanggalin na siya sa programa.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Hipon kay Kuya Wil dahil napakaraming bagay ang naitutulong nito sa kanya. Pagbabahagi nga ni Hipon sa kanyang vlog, ay tinulungan siya ni Kuya Wil kung saan binigyan siya ng P20,000 upang ipaayos ang kanilang bahay matapos masalanta ng bagyong Rolly ang kanilang tirahan.

error: Content is protected !!