Connect with us

Entertainment

Herlene Budol o Mas Kilalang Hipon Girl Mas Lumutang ang Ganda Suot ang Kanyang Santacruzan Gown na Nagkakahalaga ng Php150,000

Litaw na litaw ang kagandahan ni Herlene Budol o mas kinilalang Hipon Girl sa naging Binibining Pilipinas Pageant kung saan ibinida ng mga kontestant kasama si Herlene sa ginawang Grand Santa Cruzan Event.

Noong nakaraang May 14, isa si Herelene Budol sa umagaw ng atensyon ng nakakarami, matapos niyang ibida ang kanyang napakagandang gown sa Grand Santa Cruzan Event Parade.

Sa isang post na ibinahagi ng Binibining Pilipinas Official Page suot ni Herlene ang napakagandang gown na may disenyong Mermaid-cut pink gown na may blue pearls at isang tall headress. Pero ang mas kinagulat ng nakakarami ay ang presyo ng kanyang gown na tumataginting na Php 150,000.

Sa kanyang ibinahaging larawan sa kanyang instagram, dun niya ibinahagi ang presyo ng kanyang gown at ibinida na ang naassign na gown para sakanya ay talagang ginastusan ng gumawa at denetalye ng husto.

“Mga Hiponatics, eto yung na assign kay Hipon girl nyo sa Binibining Pilipinas Pamayanan Guadalupe para sa Flores de Mayo. Ginastusan etong creation na sobrang detalyado sa halagang 150,000 php.”

Pinasalamatan din ni Herelene ang mga tao na sumusuporta sakanya, especially ang kanyang pamilya, mentors at long-time kaibigan na si Madam Inutz. Ibinahagi niya ang pasasalamat sa mga ito dahil ang mga taong ito ang nagbibigay sakanya ng inspirasyon at lakas ng loob para ipagpatuloy ang kanyang journey sa beauty pageant. Patuloy din ang paghingi ni Herlene ng suporta sa Hiponatics para sa pagpapatuloy niya ng kanyang journey upang masungkit ang korona.

Isa si Herlene sa mga napili sa Top 40 sa Binibining Pilipinas 2022, at kung papalarin may pagkakataon siya na maging representante ng ating bansa sa mga sumusunod na pageant,

  • Miss International
  • Miss Globe
  • Miss Intercontinental
  • Miss Grand International

Si Herelene Budol o mas kilala bilang Hipon Girll ay sumikat sa programa ni Kuya Will na Wowowin, kung saan ginawa siyang host ni Kuya Will dahil sa galing nitong magpatawa ng tao at magsalita. Si Herelene ay 22-taon gulang at kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Science in Tourism Management sa kolehiyo. Nagmamayari narin si Herlene ng ilang negosyo.

error: Content is protected !!