Connect with us

Entertainment

Herlene Budol o Mas Kilala Bilang si Hipon Girl, Ibinahagi ang Pinakamagandang Regalo na Ibinigay sa Kanya ni Willie Revillame

Sa kanyang karisma, napakagandang katawan, at husay sa pagpapatawa ay marami ang humahanga. Siya lang naman si Herlene Nicole Budol, na mas nakilala ng marami sa bansag na Hipon Girl. Unang nakilala si Herlene o Hipon sa programa ni Willie Revillame na Wowowin kung saan ay sumali siya sa segment ng programa na Willie of Fortune.

Nang una ngang masilayan ni Kuya Wil si Hipon ay agad nitong nakuha ang loob ng TV host. Makikita naman kasi sa bukod sa pagiging simple ni Hipon, ay makikita rin ang kanyang pagiging totoo. Isama pa nga rito, ang pagbibigay niya ng kaligayahan sa mga nanonood, na nahuli rin niya ang kiliti. Kaya naman, hindi nakapagtataka na agad siyang kinuha ni Kuya Wil bilang host ng programa. At makikita naman, na talagang ginagawa ni Hipon ang lahat para magampanan ng mabuti ang trabahong ipinagkaloob sa kanya ni Kuya Wil.

Photo credits: Herlene Nicole Budol | Instagram

Samantala, minsan namang nakapanayam si Hipon sa morning show na mapapanood sa GMA, na Mars Pa More kung saan nakakwentuhan niya sina Iya Villania at Camille Prats. At sa segment na “Lightning Laglag” kung saan kailangan niyang sagutin ang mga katanungang itatanong sa kanya. Una ngang katanungan ay kung ano ang pinakamahal na bagay na nabili niya para sa kanyang sarili.

Photo credits: Herlene Nicole Budol | Instagram

Pag-amin ni Hipon, ay isang sapatos na “Nike” na nagkakahalaga ng P4,600. Inamin rin ni Hipon na karamihan sa kanyang gamit ay bigay lamang ng ibang tao sa kanya. At nang mabili nga ang gustong sapatos ay masayang masaya si Hipon, dahil nabili niya ito gamit ang perang kanyang pinaghirapan.

Sinagot rin niya ang tanong kung nagkaroon siya ng kaalitan sa showbiz na diretsahan niya namang sinagot. Ayon kay Hipon, ay nakaalitan niya ang isang beauty queen dahil maattitude umano ito. At sa tanong kung sinong personalidad ang kaya niyang tapatan sa showbiz ay ang nasabing beauty queen rin ang kanyang naging kasagutan.

Photo credits: Herlene Nicole Budol | Instagram

Samantala, pagdating naman sa kanyang buhay pag-ibig, at tinanong kung sino ang nagpapatibok ng kanyang puso. At proud ngang sinagot ni Hipon, na ito ang nag-iisa niyang “Bebeloves”.

Pagbabahagi naman ni Hipon, kung sakali mang aalukin siya ng daring role sa showbiz, ay hindi niya ito aatrasan at buong pusong tatanggapin. Nais rin kasi ni Hipon na masubok ang kanyang kakayahan sa pag-arte at mas lumawak pa ang kanyang karanasan sa showbiz.

Photo credits: Herlene Nicole Budol | Instagram

Labis naman ang pasasalamat ni Hipon matapos sagutin ang tanong kung ano ang pinakamagandang regalo sa kanya ni Kuya Wil. Ayon nga kay Hipon, ang mabigyan ng pagkakataong makilala sa industriya, ay walang katumbas na halaga na dahil dito ay natupad ang kanyang pangarap.

“Yung pangarap ko po, natanggap ko na eh. ‘Yun. Priceless po kasi sa’kin lahat eh. Yung mga perang binibigay niya sa’kin, mas worth it po ‘yung binigyan niya ko ng tiyansang mapunta po dun sa kanya po.”

error: Content is protected !!