Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista Pumunta sa kanyang Boracay Beach Resort Kasama ang Asawang si Chiz Escudero, Ibinahagi na Naipundar niya ito Galing sa Kanyang Naipong Pera

Napakahalaga naman talaga na sa bawat kasipagan natin ay may mga bagay tayong pinaglalaanan. At para nga sa aktres na si Heart Evangelista, napakahalaga na gawing investment ang perang pinagpaguran at pinaghirapan sa mga bagay na malaki rin ang maitutulong sa atin.

Kamakailan lamang nga, sa latest vlog ni Heart ay binigyang diin niya ang kahalagahan ng pag-iinvest ng perang kinikita sa mga bagay na talagang makakatulong sa buhay natin. At para nga kay Heart, mas pinili niyang iinvest ang kanyang perang pinaghirapan sa isang napakagandang resort sa isla ng Boracay na kanyang ipinasilip sa kanyang latest vlog.

Isang magandang ideya naman talaga ang naisip ni Heart, lalo na nga’t kilala ang Boracay bilang tourist destination sa bansa kung saan taglay ang malaparaiso sa gandang mga tanawin at talaga namang nakakarelaks ang lugar.

Sa kanyang latest vlog, ay kanyang ipinasilip ang kanyang napakagandang resort na pinangalanan niyang “Harlan Beach Resort” na matatagpuan sa Station One sa Boracay.

“I’m so excited for this. I put a little bit of my lifetime savings with other partners for this little resort and I really wanted to vlog it because I want to invite you guys one day.”

Photo credits: google.com

Kasama naman ni Heart ang kanyang asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero, na ayon kay Heart, ay isinama niya talaga kahit isang araw lang para makita nito ang bunga ng kanyang pinaghirapan at mula sa kanyang sipag at tiyaga.

“I wanted to show him this place. I hope he is proud.”

Photo credits: google.com

Inilibot nga ni Heart ang kanyang mga manonood sa bawat sulok ng resort mula sa mga bedrooms, kitchen, living area, at maging mga banyo ng bawat silid. May pasilip rin si Heart sa swimming pool na talagang napakaganda rin. Mas lalo namang hahangaan ang beach front sa taglay nitong napakagandang tanawin.

Photo credits: google.com

Photo credits: google.com

Mapapansin naman na malawak ang bawat silid at maging ang living room ay may malawak na espasyo rin. Napakaganda naman ng disenyo ng bawat bahagi ng resort na may kombinasyon ng native and modern aesthetic design, na talaga namang damang-dama ang masarap na bakasyon, at makakapag-relax rin dahil bukod sa napakagandang tanawin, ay tahimik rin ang lugar.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Masaya naman si Heart, dahil nakapag-invest siya sa isang napakagandang property na tulad nito. At ang makita nga ang bunga ng kanyang pinaghirapan, ay talaga namang walang katumbas na kaligayahan ang hatid sa kanya.

“I’m so, so glad to be part of the group that invested here, just a little bit.But it’s hard work and I’m just so happy that I did that. So, yes, after working for 24 years, I think it’s important that we invest our hard-earned money, so now it’s time to enjoy the fruits of labor.”

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

Samantala, sa nasabing vlog, matapos maipakita ang bawat bahagi ng resort, ay inimbitahan naman ni Heart ang kanyang mga tagahanga na bumisita sa kanyang resort dahil tiyak na mag-eenjoy at makakapag-relaks ang mga bakasyunista sa napakagandang resort ng aktres.

Photo credits: Love Marie Escudero | Youtube

“When the time is right and when you are able, I would love to have you stay here. It is open for rent, this whole place. It’s a beautiful place.”

error: Content is protected !!