Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Proud na Ibinahagi na “biggest role model” niya ang Kanyang Napakaganda at Mapagmahal na Ina na si Cecilia Ongpauco

Ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista, ay isa sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz na hindi maikakaila na namana sa kanyang napakagandang ina.

Credits: Heart Evangelista | Instagram

Samantala, sa pagdiriwang ng Mother’s day, ay isa rin si Heart sa mga anak na nagbigay pugay at nagpasalamat sa kadakilaan ng mga ina ng ating tahanan. At para batiin ang kanyang napakagandang inang si Cecilia Ongpauco sa espesyal na araw ng mga ilaw ng tahanan, ay isang nakakaantig at sweet post ang kanyang ibinahagi sa Instagram.

Makikita sa nasabing post ni Heart ang before and after photo nilang mag-ina kasama ang kanyang kapatid. Sa isang larawan ay masisilayan ang throwback photo nila kung saan ay mga malilit na bata pa lamang sila ng kanyang kapatid. Sa isang larawan naman na kasama ng nasabing IG post, ay makikita naman ang larawang kuha sa kasalukuyan.

Nilakipan naman ito ng caption kung saan sinabi ni Heart na iniidolo niya ang kanyang Mommy Cecil sa kanyang paglaki. At nais nga ni Heart na lumaking katulad ng kanyang ina na “loving and graceful”.

Credits: Heart Evangelista | Instagram

“My mom was my biggest role model growing up. I told myself that I was going to be as loving and graceful as her someday,”caption ni Heart sa kanyang post.

Maliban rito, ay ibinahagi rin ni Heart na labis ang kanyang paghanga sa pagmamahal at sakripisyong ibinigay nito sa kanilang pamilya. At makikita naman talaga na napalaki sila ng kanyang kapatid na maayos at mabubuting tao.

Bilang isa namang aktres na talagang taglay ang napakagandang mukha, ay ibinahagi ni Heart na malaki ang naitulong sa kanya ng kanyang ina. Pagbabahagi kasi ni Heart ang madalas nilang mapagkasunduan na nagsisilbi ring bonding moments nilang mag-ina ay ang hilig nila sa skin care.

Credits: Heart Evangelista | Instagram

“Im so lucky to have a mom who gives the best beauty advice. Up until this day, my mom still has that amazing youthful glow that I also get to enjoy thanks to her best-kept secret.”

Proud ring ibinahagi ng aktres na dahil sa pagkahilig nila sa skin care, ay nagawa nilang pangalagaan at panatilihing bata at maganda ang kanilang mukha. Makikita naman talaga sa bawat larawan na tila hindi man lang tumanda ang ina Heart dahil sadyang napakaganda parin nito. At sa larawan na magkasama sila, ay nagmistulang modelo sa magazine ang dalawa, na tila hindi mag-ina kundi magkapatid dahil tila hindi nagkakalayo ang kanilang hitsura na parehong maganda.

“Happy Mother’s Day, mom! Thank you for the love, and everything you have taught me. I’m blessed to have you. Love you, mom!”sweet na mensahe ni Heart.

Tunay nga na labis na ipinagmamalaki ni Heart ang kanyang ina, dahil bukod sa napakaganda, ay isa ring mapagmahal na ina sa kanilang pamilya.

error: Content is protected !!