Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Pinahanga ang mga Netizens Matapos Ipinakita ang Napakaganda at Mamahaling Bulgari Necklace na Nagkakahalaga ng P5.6 Million

Walang duda na ang aktres na si Heart Evangelista ang isa sa hinahangaan ng publiko pagdating sa kanyang taste of fashion. Hindi lamang nga magaganda ang mga ginagamit na kasuotan ni Heart mula ulo hanggang paa, kundi may mga mahahalin ring halaga.




Bawat kasuotan rin ni Heart, ay nagagawa niyang bigyan ng kulay na talaga namang hahangaan. Bagay na bagay nga kay Heart ang kanyang magagandang damit na maayos niyang nadadala.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Minsan na nga nating nasilayan ang walk-in closet ni Heart na puno ng kanyang magaganda at mahahaling mga kagamitan sa kanyang vlog. Mula sa bag, sapatos, damit at alahas ay talaga nga namang napakaganda at hindi rin biro ang halaga.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

At kamakailan lamang, ay muli na namang pinahanga ni Heart ang mga netizens, matapos niyang ipakita ang isang napakaganda at mamahaling kwintas. Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang kanyang larawan habang suot ang isang white Serpenti Viper necklace na mula sa Serpentine collection ng luxury brand na Bulgari.

Nilakipan naman niya ito ng caption na:

“Nothing goes better together than diamonds and feathers.”

Photo credits: Heart Evangelista | IG




Photo credits: Heart Evangelista | IG

Ayon naman sa Bulgari website, ang nasabing kwintas ay isang 18 karat white gold na napapalibutan ng disenyo nitong diamonds. Inilarawan naman ng Bulgari ang epekto ng nasabing kwintas bilang “camouflaging sensuality and temptation with hypnotic design”. At sa mga mahihilig sa alahas ay tiyak na papasa rin ito sa kanilang panlasa.

Talaga namang napakaganda ng white gold necklace, ngunit hindi naman biro ang halaga nito. Dahil ang halaga ng suot-suot na kwintas ni Heart mula sa Bulgari, ay may nakakalulang halaga na P5.6 Million. Sa makalaglag pangang halaga ng kwintas, ay talagang pinahanga ni Heart ang mga netizens. Hindi naman maikakaila na bagay na bagay sa aktres ang nasabing kwintas.

Pinatunayan nga ni Heart na pagdating sa taste of fashion, ay talagang hindi siya magpapahuli. Muli na naman ngang pinahanga ni Heart ang mga netizens sa kanyang napakaganda at nakakalulang halaga ng alahas.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Maliban naman sa pagiging fashionista, kung saan ay talagang iniingatang mabuti ang kanyang mga kagamitan, ay isa ring mabuti at mapagmahal na asawa si Heart kay Sorsogon Governor Chiz Escudero. Ang mga anak rin ni Chiz na unang asawa, ay itinuturing rin ni Heart bilang kanyang mga tunay na anak. At tulad nga ng pag-iingat sa kanyang mga kagamitan, ay mahal na mahal at pinangangalagaan rin ni Heart ang mga anak ni Chiz.

error: Content is protected !!