Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Pinabilib ang mga Netizens sa kanyang Yayamaning ‘Chanel-inspired french fries’ at Pizza

Marami na naman ang pinabilib na netizens ng aktres at fashion icon na si Heart Evangelista matapos mag-trending sa social media ang post niya sa Instagram na larawan ng kanyang ‘Chanel-inspired french fries at pizza.




Kilala ng lahat si Heart bilang isang fashionista na talaga namang hahangaan ang kanyang mga mamahalin at naggagandahang outfit. Hindi rin naman maikakaila na tagahanga si Heart ng high-end fashion brands tulad na lamang ng Chanel.

Tila naman mas lalong nag-level up pa ang pagiging-fashionista ni Heart, dahil sa pagkakataong ito ay hindi lang kasuotan ang lalagyan ng fashion ni Heart kundi pati na rin ang kanyang pang-meryendang pagkain.

At nito lamang ika-20 ng Oktubre, ay hindi isang designer clothes at bag na Chanel ang ibinida ni Heart sa kanyang Instagram, kundi isang pagkaing french fries na may hugis ng logo ng Chanel. Ayon nga sa caption ng aktres, ay nilagyan niya ng fashion ang nilutong french fries.

“Fries but make it fashion.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Marami naman sa mga netizens ang agad na nag-react sa naturang post ni Heart.

“Ganito pala fries ng mga mayayaman.”

“Iba talaga pag-sosyal pati fries Chanel.”

Dahil nga, talagang maraming netizens ang naaliw at napabilib ni Heart sa kanyang pagiging creative pagdating sa fashion, ay hindi pa nakontento ang aktres. At nang sumunod na araw naman, ika-21 ng Oktubre, araw ng Miyerkules, ay muling nagpost si Heart ng isang larawan sa Instagram, na muling nagpabilib sa mga netizens. Sa pagkakataong ito, ay isang pizza na Chanel-inspired rin ang ginawa ng aktres.




Nilakipan naman ito ng caption ni Heart na: “Fresh from the oven”, at tinag pa sa naturang post ang official Instagram page ng Chanel.

Muli na naman itong hinangaan ng mga netizens at nagbigay ng kanilang reaksyon.

“Eat with a class. Love it.”

“Her pizza costs more than our tuition.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Heart Evangelista (@iamhearte) on

Tunay nga na talagang napaka-creative ni Heart pagdating sa fashion, na maging ang pagkain ay nagkaroon rin ng taste of fashion.

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na nag-trending ang pagiging sosyalin ni Heart. Matatandaan nga na sa pagbungad pa lang ng taon, ay pinag-usapan agad siya ng mga netizens matapos niyang magpost na bibili siya ng corned beef sa grocery store habang nakasuot ng kanyang napakagandang designer dress.

“Here’s my look for today. I am on my way to go to the grocery to buy corned beef.”

error: Content is protected !!