Connect with us

Stories

Heart Evangelista, Nagbigay Ng Isang Regalo Sa Isang Batang Ni-reject Umano Ng Kanyang Crush

Published

on

Sadyang makapangyarihan ang pag-ibig na talagang handang iparamdam ng taong umiibig sa kanyang minamahal ang kanyang damdamin.

Photo Credit: Rossane Cadag Badrina Facebook




May ibat-ibang paraan ng pagpapabatid ng pag-ibig, ngunit ang ilan ay mas pinipiling idaan ito sa isang sulat upang mas madama ng taong nagbabasa ang damdaming nais ipabatid. Pero hindi lahat ay mapalad na makatanggap ng kasagutan sa hinahangad na pag-ibig.

Kagaya na lamang ng batang nagngangalang “Eman” na lumikha ng ingay sa social media na kung saan ay ni-reject umano ng kanyang crush sa dahil sa hindi pagkain ng mga gulay. Ipinarating ng crush ni Eman ang nakakalungkot na mensaheng ito sa kanya sa pamamagitan ng isang sulat.

Photo Credit: Heart Evangelista Tweeter

Tunay nga na mahiwaga ang pag-ibig na kahit ang musmos na bata ay tinatamaan kung saan ay nagkakaroon ng paghanga sa kapwa bata.




Ngunit ang batang si Eman ay hindi pinalad na makuha ang puso ng kanyang crush kaya naman nakaramdam ito ng kalungkutan. Pero ang nadaramang ito ng bata ay naibsan dahil ang aktres na si Heart Evangelista ay binigyan siya ng isang “cheer up” package.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

Ang batang si Eman ay nagmula sa Donsol, Sorsogon na kung saan ay ni-reject umano ng kanyang crush dahil sa pagiging payat at hindi pagkain ng gulay nito. Maraming netizens ang nakarelate sa pagkabigong ito ng bata kaya naman nagpaabot ng suporta ang mga ito. Ang ilan ay nagbigay ng mga positibo at pampalakas ng loob na komento upang mapagaan ang loob at sinabi na makakatagpo pa ang bata ng iba pang babae pagdating ng panahon.

Maraming netizens rin ang nag-alala sa isipin na baka makilala ng mga tao ang batang si Eman na siya pala ang tinutukoy sa kumakalat na sulat sa social media. Si Danica naman o ang nagpadala ng sulat ay inilagay rin ang tunay na pangalan ni “Inoy” sa nasabing sulat kung saan ay nakalakip rin ang Cristo ES sa itaas na bahagi ng sulat.

Photo Credit: Heart Evangelista Tweeter

Samantala, may nagkomento naman na isang netizen na nasaktan umano ng sender ang damdamin ni Eman dahil sa pagkabigo lalo na nang magbanggit ito na may iba ng gusto. Sinabi rin nito na baka hindi nakabili ng bulaklak ang bata upang ibigay sa kanyang crush. Ngunit sa huli ay nagbiro pa ito at sinabi na mas maganda ang pangalang Eman kesa sa pangalang Inoy.




Ang nakakaaliw na kwentong ito tungkol sa sulat at pagkabigo ni Eman ay talagang nagtrending sa social media na maging si Heart Evangelista ay nasaksihan ito. Si Heart ay asawa ni Chiz Escudero na gobernador ng Sorsogon. Kaya naman nang ipagdiwang ni Heart ang kanyang kaarawan sa Sorsogon, hindi niya kinalimutan ang batang si Eman upang ipagdala at bigyan ng isang cheer up package. Nagkomento rin ang aktres na magiging maayos rin si Eman at sinabi rin niya na mahal niya ito.

Photo Credit: Heart Evangelista Instagram

Nang matanggap naman ni Eman ang regalo sa kanya ni Heart, nagbahagi niya ng larawan ng isang kahon na puno ng mga pagkain. Upang pasalamatan ang aktres, gumawa si Eman ng isang sulat ng pasasalamat. Sinabi ng bata na labis siyang nagpapasalamat sa regalong natanggap niya sa Valentine’s day. Sinabi rin niya na kakain na siya ng mga gulay upang maging malusog. Nagpaabot rin si Eman ang kanyang pagbati ng Happy Birthday sa kaarawan ni Heart at bumati rin ng Happy Valentine’s day.

Photo Credit: Heart Evangelista Tweeter




Bagama’t nalungkot ang puso ni Eman sa pagkabigo sa kanyang crush at tinutukso ng kanyang mga kaklase dahil sa viral na sulat, ay naging masaya naman siya dahil nakatanggap siya ng simple pero sweet na regalo mula kay Heart.

error: Content is protected !!