Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Nagbalik Tanaw sa mga Panahong Kapos Siya sa Pera at P30 Lamang ang Laman ng kanyang ATM, Nagpalibre sa kanyang Assistant

Bilang isang sikat at kilalang artista sa industriya ng showbiz, idagdag pa nga rito, ang pagiging isang anak ng maykayang pamilya, ay sino ang mag-aakalang nawalan rin pala ng pera minsan sa buhay niya ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista?




Si Heart ay anak ng mag-asawang Rey Ongpauco at Cecilia Ongpauco, na hindi maikakailang mula sa mayamang angkan. Ngunit, ang anak nilang si Heart, ay nakaranas ring mawalan ng pera sa kanyang pitaka at maging sa kanyang ATM.

Photo credits: iamhearte | IG

Ito nga ang inilahad ni Heart nang makapanayam ni Dra. Aivee Teo. Pagbabalik tanaw ni Heart, noong 2007 raw ay dumating sa punto ng buhay niya, na nahirapan siyang kumita ng pera at mawalan ng pera na kahit pangkain man lang.

Ayon sa kwento ni Heart, ay nangyari ito noong maging bahagi siya ng teleseryeng ng ABS-CBN na Hiram na Mukha, kung saan nakasama niya ang mga aktor na sina TJ Trinidad at Geoff Eigenman.

Photo credits: iamhearte | IG

Pagbabahagi ng aktres, bago siya sumalang sa nasabing proyekto, ay umalis siya sa kanilang bahay upang mamuhay ng mag-isa, dahil na rin sa pagkakaroon ng hindi magandang pagkakaunawaan nila ng kanyang ina. Dahil dito, ay kailangang kumayod ni Heart upang mabuhay at magsimula sa wala.

“I had to do this because I had no money at that time. It was super torture. That was when I left my parents. It was my first time around so I had to start from scratch. Change lifestyle.”

Samantala, ang papel na ginampanan ni Heart sa nasabing teleserye, ay si Clarissa kung saan ang kanyang karakter ay taglay ang “mukhang-unggoy” na mukha. Kaya naman, ayon kay Heart, ay ito ang pinakamahirap na papel na kanyang ginampanan bilang isang artista.

“Super prosthetics…Hirap kumita ng pera,”saad ni Heart.

Photo credits: iamhearte | IG

Kwento pa ng aktres, ay mahirap at matagal ring ikabit ang prosthetics na inaabot pa ng alas tres ng madaling araw. Umabot rin umano sa puntong susuko na sana siya, kung hindi lang mahirap ang kanyang sitwasyon sa usaping pera.




Samantala, ibinunyag rin ng aktres, na minsan siyang nilibre ng kanyang assistant ng dinner dahil wala siyang pera at tanging P30 ang laman ng kanyang ATM.

“Si Ate Resty nang-libre sa’kin sa [Japanese] restaurant dahil wala akong pera.”

Photo credits: iamhearte | IG

Ngunit, sa huli ay hindi na natiis ni Heart ang hirap na kanyang nararanasan, kaya naman bumalik na siya sa poder ng kanyang ina at nakipag-ayos na rito.

“My mom really wanted me to suffer so I’d go back to her. So talagang from all that comfort to nothing.”

At ngayon nga, matapos ang 14 taon ay nasumpungan na ni Heart ang masaya at marangyang pamumuhay bilang isang artista, modelo at negosyante. Mas lalo ring naging masaya ang buhay ni Heart sa piling ng kanyang asawang si Francis “Chiz” Escudero na dating Senator na ngayon ay Governor ng Sorsogon.

error: Content is protected !!