Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista Muling Inalala ang mga Panahon na Naranasan Niyang Magipit at Walang Pang-Dinner Dahil Tanging Php30 Nalang ang Laman ng Kanyang ATM

Si Heart Evangelista ay isa sa mga kilalang aktres sa showbiz at sikat na personalidad sa fashion world. Maliban pa dito, ay hinangaan din ang kanyang kahusayan sa pagpipinta, at batid din ng marami sa atin kung gaano na siya kayaman ngayon, dahil mababakas ito sa kanyang lifestyle at dami ng koleksyon ng mga luxury bags, shoes, jewelries at kahit na mga damit.

Samantala, marami naman sa atin ang hindi nakakabatid, na kahit na ipinanganak si Heart na mayaman ang pamilya at sa kabila ng yamang tinatamasa niya ngayon sa kanyang buhay, ay minsan din niyang naranasan ang magipit, masimot ang ATM at mamroblema na wala siyang makain para sa hapunan o dinner.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Sa pinaka-latest vlog sa YouTube ng dermatologist na si Dr. Aivee Teo ay kanyang nakasama si Heart Evangelista, at dito ay mapapanood ang naging pagbabalik-tanaw ng aktres sa kagipitan na naranasan niya noong taong 2007, kung saan ayon sa kanya ay tanging Php30 nalang ang pera niya sa ATM.

Kuwento ni Heart, taong 2007 ng siya ay magipit at ito din ang taon na ginawa niya ang teleseryeng Hiram na Mukha, kung saan siya gumanap bilang si Carissa, ang babaeng mayroong pangit na mukha.

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Saad pa niya, ang paganap sa karakter ni Carissa, sa Hiram na Mukha ang isa sa mga pinakamahirap na role na kanyang ginawa dahil sa pagamit ng super prosthetics sa kanyang mukha dahilan para mahirapan siya makahinga.

Ayon pa sa aktres, kahit na siya’y hindi kumportable sa pagprosthetics, ay ipinagpatuloy pa din niya ang naturang proyekto, at ito ay dahil sa noong mga panahon na ginagawa niya ito ay talagang kailangan niya ng pagkakakitaan sapagkat natigil ang pinasyal na suporta sa kanya ng mga magulang niya matapos niyang umalis sa poder ng mga ito.

“That’s when I left my parents the first time around, so I [had] to start from scratch,” aniya. Dagdag pa niya “Ang hirap kumita ng pera.”

Photo credits: Heart Evangelista | IG

Ani pa ni Heart dahil sa gipit siya ng mga panahon na ‘yon ay kinailangan din niyang baguhin ang kanyang lifestyle.
Isa pa din umano sa hindi makakalimutan ni Heart ng mga panahong iyon ay nang ilibre siya ni Ate Resty niya sa restaurant dahil wala siyang perang pang-dinner sapagkat 30-pesos na lang ang lamang ng kanyang ATM.

“[One time], si Ate Resty, nag libre sa’kin sa restaurant,” she recalls. “Wala akong pera. 30 pesos lang ang laman ng ATM ko so wala akong pang-dinner”, aniya.

error: Content is protected !!