Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Masayang Ipinagdiwang ang kanyang Ika-36 Taong Kaarawan sa Benguet, Ipinagdiwang rin ang 6th Wedding Anniversary nila ng Kanyang Asawa

Ang pagdiriwang ng Valentine’s day noong nakaraang Linggo, ika-14 ng Pebrero, ay hindi lamang espesyal na araw sa mga taong nagmamahalan, kundi isa ring espesyal na araw para sa aktres at fashion icon na si Heart Evangelista.

At sa espesyal na araw na ito ni Heart, ay kapiling niya ang kanyang mga mahal sa buhay, ang kanyang mga kaibigan at kapamilya. Sa pamamagitan ng isang intimate birthday party ipinagdiwang ang kaarawan ni Heart na ginanap sa isang log cabin na malapit sa Baguio City.

Photo credits: iamhearte | IG

Sa Instagram, ibinahagi ni Heart ang ilang larawan at video clip na kuha sa masayang kaganapan sa kanyang birthday. Makikita nga na talagang masayang-masaya si Heart, dahil nakatanggap siya ng isang mala-higante sa laking bouquet of flowers mula sa kanyang asawang si Francis “Chiz” Escudero.

Makikita rin na talagang napakaromantiko at sweet ni Chiz kay Heart. Sa isang larawan nga, ay masisilayan ang matamis na halik na kanilang pinagsaluhan. Bukod naman sa napakaganda at laking bulaklak, ay halos mapuno naman ang bilog na lamesa ng iba’t ibang klase ng cake.

Photo credits: iamhearte | IG

Hindi nga maitago ni Heart sa kanyang mukha ang labis na kasiyahan sa pagdiriwang ng kanyang espesyal na araw. Pinasalamatan rin ni Heart sa kanyang Instagram, ang mga taong nagpaabot ng kanilang pagbati sa kanyang kaarawan. Ayon nga sa aktres, ay talagang damang-dama niya ang pagmamahal ng bawat isa.

Photo credits: iamhearte | IG

“Thank you, everyone! Felt so loved today! Wishing everyone the same.”

Samantala, ang espesyal na araw na ito, ay hindi lamang kaarawan ni Heart ang kanilang ipinagdiriwang. Dahil ito rin ay isang masayang selebrasyon para sa anibersayo ng kanilang kasal, kung saan ngayon nga ay anim na taon na silang nagsasama bilang mag-asawa ng kanyang asawang si Chiz.

Photo credits: iamhearte | IG

Makikita na sa loob ng anim na taon bilang mag-asawa, ay talagang masisilayan ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Noong Pebrero 14,2015 ikinasal sina Heart at Chiz sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Balesin Island, matapos ang tatlong taong relasyon bilang magkasintahan.

Matatandaan naman sa isang panayam ni G3 San Diego noong nakaraang Agosto, na inamin ni Heart na una pa lamang ay alam na umano ng aktres, na si Chiz na ang taong kanyang makakasama habang buhay, kahit noong magkasintahan pa lamang sila. Pag-amin pa nga ni Heart, ay dream guy niya ang kanyang asawang si Chiz.

“I know this sounds cheesy, but ever since before talaga, I really liked him. I really looked up to him and when I met him in person, parang he did not disappoint.”

“He was so much more than I thought he would be. He was so normal to me… I knew he’s the one. I knew it right away. I married my dream guy.”

error: Content is protected !!