Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Magbibigay Ng Pabuyang P50,000 Sa Sinumang Makakabalik Ng Kanyang Nawawalang Alagang Aso

Ang aktres na si Heart Evangelista ay kilala rin sa industriya ng showbiz bilang isa sa mga celebrities na mahilig sa mga alagang aso. Kaya naman, hindi na nakapagtataka na maging malapit ang loob ng aktres sa kanyang mga alagang aso. At kamakailan nga, ay naging emosyunal si Heart dahil ang isa sa alaga niyang aso ay nawawala.

Nito lamang ika-3 ng Nobyembre nang hingin ni Heart ang tulong ng mga netizens para mapadali ang paghahanap sa kanyang nawawalang aso. Inilabas ni Heart sa publiko ang larawan ng kanyang nawawalang alagang aso na si Luka.

Makikita na sa unang poster na ibinahagi ni Heart na ang ibinigay niyang pabuya ay P10,000 sa sinumang makakakita at makakapagbalik kay Luka. Ngunit, makikita naman na nagpasya ang aktres na itaas ang pabuya sa halagang P50,000 para mapadali ang paghahanap kay Luka.

Base naman sa poster na ibinahagi ni Heart ay huling nakita si Luka palabas ng Dasma Village sa Alpha Land. Makikita rin na nakalagay ang detalye na maaaring ma-contact kung sakali mang mahanap si Luka. Nakasaad nga dito ang numerong 09188882140.

“Sana matulungan niyo kami. Baka na sa EDSA siya? He is very afraid of people so baka nagtatago sa mga bridge. Last seen outside Dasma Village, around Alpha land.”

Samantala, marami naman sa mga netizens ang tulad ni Heart na mapagmahal sa mga alagang aso. Kaya naman, talagang nalungkot ang mga ito sa sitwasyon ni Heart at naka-relate rin nararamdaman ng aktres.

Dahil nga marami rin ang talagang dog lover na tagahanga ni Heart, ang ilan sa mga ito ay nagbigay ng payo at lakas ng loob kay Heart. Mababasa nga sa mga komento ng mga ito, na sana raw ay makita na si Luka dahil nakakalungkot at talagang nakakaiyak ang mawalan ng isang mahal na alagang aso.

“Sana makita na your Luka. Masakit, mahirap mawalan ng isang minamahal. Sana hindi mangyari ang ganyan mawala din ang aming MushyBoy, wala kami pang reward at higit sa lahat hindi namin kakayanin. Maisip ko lang baka mawala siya, nagsisikip na dibdib ko. Naiiyak na ako.”

“I know kung ano ang pakiramdam ng naghahanap at nag aalala…sana matagpuan or makauwi na sya.”

“I feel you ate .. sobra iyak ko nang nawala aso ko… Though salamat may nka kuha sa kanto at inilagaan.”

Ang mga alagang aso, ay hindi naman maikakaila na malambing sa kanilang mga amo. Kaya naman, hindi na nakapagtataka kung malapit si Heart kay Luka. At dahil nga, hindi pa nabibiyaan ng isang supling ang pagsasama nila ng kanyang asawang si Chiz Escudero, ang kanyang mga “furbaby” ang nagpapasaya sa kanya sa loob ng kanilang tahanan.

error: Content is protected !!