Connect with us

Lifestyle

Heart Evangelista, Ipinasilip Kung Paano niya Ginagawa ang kanyang mga Kahanga-hanga at Napakagandang Hand Painted Bags

Published

on

Ang kilalang fashionista, aktres, pilantropo at isa ring mahusay na pintor na si Heart Evangelista ay kilala sa kanyang tunay na pangalan bilang Love Marie Payawal Ongpauco-Escudero. Nagsimula ang karera ni Heart sa showbiz noong taong 2000 na talaga namang hinangaan ng publiko ang kanyang galing at husay sa pag-arte sa mga pelikula.

Ngunit, matapos makilala at mapangasawa ni Heart ang Governor ng Sorsogon na si Francis Escudero noong 2015 ay hindi na siya gaanong aktibo sa showbiz. Bagama’t, hindi na siya madalas mapanood sa telebisyon ay lumikha naman siya ng sarili niyang pangalan sa online world.




Isa nga sa pinagkakaabalan ni Heart ay ang pagiging vlogger na kung saan ay nagiging paraan niya upang ibahagi sa kanyang mga tagahanga ang buhay na mayroon siya at mga bagay na kinahihiligan niya.

Kilala rin si Heart sa pagiging fashionista, kaya naman, ito ang isa sa madalas niyang ibahagi sa kanyang mga tagahanga na talaga namang kahanga-hanga ang dami ng kagamitan niya pagdating sa fashion. Magmula nga sa mga mahahaling bag, magagarang kasuotan, magagandang sapatos at kumikinang na mga alahas ay ibinabahagi ng aktres sa kanyang vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Ngunit, tila lahat na yata ng talento ay mayroon na si Heart, dahil maliban sa pag-arte at pagkahilig sa fashion ay may natatagong ring talento si Heart sa pagpipinta. At ngayon nga, ay isa na siyang visual artist kung saan ipinamalas ang angking talento sa pagguhit ng mga kahanga-hangang larawan. At bilang isang mahusay na pintor, ipinagmamalaki ni Heart ang kanyang talento kung kaya’t hindi siya gumamit ng ibang pangalan upang itago ang kanyang katauhan, bagkus ay ginamit niya ang totoo niyang pangalan na “Love Marie” sa mga obrang kanyang nalilikha. Talaga namang kahanga-hanga ang talento ni Heart sa pagpipinta, sa katunayan nga nito, ang kanyang kauna-unahang solo exhibition ay ginanap sa Ayala Museum noong 2014 kung saan tampok ang kanyang malikhain at kahanga-hangang obra at ang exhibit niyang ito ay pinangalanan niyang “I am Love Marie: The Art and Works of Love Marie Ongpauco,” bilang pagpapakilala niya sa kanyang pangalan sa larangan ng sining.




Ngunit, ang higit namang kahanga-hanga kay Heart ay ang talento niya sa pagpipinta at hilig sa fashion ay binigyan niya ng twist at ito nga ay kanyang pinagsama. Malaki ang pagmamahal ni Heart sa mga bag at nakahiligan na rin nga ng aktres na lagyan ng magagandang disenyo ang mga mamahaling bag gamit ang kanyang angking talento sa pagpipinta. Tampok nga sa kanyang vlog ang proseso kung paano niya ginagawa ang mga hand painted bags na talagang nakakamangha sa ganda ng disenyo.

At isa nga sa ibinahagi ni Heart ang content niya tungkol sa “How I Painted My Bags: Love Marie for Carolina Herrera. Dito nga ipinakita ni Heart ang bawat detalye kung paano niya ginagawa ang proseso ng kanyang pagpipinta sa mga bag.

Ibinahagi rin ng aktres ang mga bag na nagawa na niyang lagyan ng disenyo na talaga namang napakaganda. At karamihan sa kanyang mga client ay nais may mukhang disenyo ang kanilang mga bag upang lalong gumanda.

At sa vlog niyang ito, tampok ang collaboration niya sa Carolina Herrera kung saan ay lalagyan niya ng disenyo ang bag na gagamitin sa exhibit gamit ang kanyang talento sa pagpipinta. Unang ipinakita ni Heart ang kanyang mga gagamitin na materyales sa pagpipinta, bago niya simulan ang obra. Makikita nga, na talagang bawat detalye ay pinag-isipang mabuti ni Heart kung anong disenyo ang ilalagay niya sa naturang bag. At ang naisip nga ni Heart na ilagay bilang disenyo ay mukha ng babae na sinamahan niya ng bulaklak na mas lalong nagpaganda sa bag.

Matapos nga ang halos pitong oras, ay makikita na ang kahanga-hangang resulta ng talento ni Heart sa napakagandang bag. Hindi maikakaila na talagang biniyayaan si Heart ng isang talentong dapat niyang ipagmalaki na talaga namang napakahusay.

error: Content is protected !!