Connect with us

Uncategorized

Heart Evangelista, Ipinasilip ang Kanyang kahanga-hanga sa Ganda at Mamahaling Shoe Collection

Ang aktres na si Heart Evangelista ay isa pinakasikat na artista sa industriya ng showbiz. Maliban nga rito, ay kilala rin siya bilang modelo at isang mahusay na pintor. Bukod sa kanyang magandang mukha, ay hinahangaan rin ng marami ang kanyang taste pagdating sa fashion.

Credits: Heart Evangelista | IG

At bilang isang fashion icon makikita na talagang magaganda at mga mamahaling brand ang mga ginagamit at isinuot ni Heart. Ang mas nakilala natin ang style at personality ni Heart sa kanyang mga kahanga-hanga sa gandang koleksyon ng designer bags, accessories, mga alahas, branded dresses at mga mamahaling sapatos.

Minsan nang nagkaroon ng walk-in closet tour si Heart para ipasilip ang kanyang mga kagamitan. At hindi nga maikakaila na isa siyang tunay na fashion icon at kahit nasa loob ng kanilang bahay ay makikita ang pagiging fashionista ni Heart.

Sa mga naunang vlog ni Heart, ay nasilayan na natin ang ilan sa kanyang mga koleksyon, kagaya ng kanyang mga designer bags. Ngunit, bukod dito ay isa rin palamg shoe lover si Heart. At kamakailan lamang, ay ipinasilip ni Heart sa kanyang latest vlog ang kanyang shoe collection.

Credits: Heart Evangelista | YT

Sa unang bahagi ng vlog, ay ibinahagi ni Heart paano nagsimula ang kanyang pagkahumaling sa mga sapatos. Kwento ng aktres, maliit pa lamang siya ay hilig na niya ang magsuot ng sapatos. Sa murang edad ang madalas niyang isuot noon ay sapatos ng kanyang ina.

Naikwento rin ni Heart ang isa sa hindi magandang karanasan noong nagsisimula pa lamamg siya sa kanyang pagmamahal sa sapatos. Kagaya na lamang nga ng malaglag sa hagdan at gumulong pababa kung saan ay tumama ang kanyang ulo sa glass table dahilan para isugod siya sa hospital at nagtamo ng 7 tahi sa ulo.

Pagbabahagi pa ni Heart, ang pagkahilig naman niya sa pagsusuot ng high heels ay dahil hindi niya makamit ang nais niyang height. At ang naisip na paraan ng aktres ay magsuot ng high heels para magmukhang matangkad.

Mapapansin naman na nakaayos batay sa kanilang klase at gamit ang mga naka-display na sapatos ni Heart. Ipinakita rin ni Heart ang ilang designer shoe na kanyang ginagamit sa tuwing magtatravel sa iba’t ibang bansa katulad na lamang ng kanyang boots na ilang ulit na niyang nagamit. Ipinakita rin ni Heart ang pinakapaborito niyang sapatos, at ito ang kanyang wedding shoes, na isinuot niya sa kasal nila ng kanyang asawang si Chiz Escudero.

Credits: Heart Evangelista | YT

Dahil nga hilig ni Heart ang magtravel ang ilan sa kanyang mga koleksyon ay nabili niya sa Paris, Hongkong at iba pang bansa na kung saan siya nagbakasyon. Ipinakita rin ni Heart ang mga sapatos na nabili niya kay Ruffa Mae Quinto. Kilala rin si Ruffa Mae sa mga celebrities na may pinakamagagandang shoe collection. Kaya naman, nang magbenta ito ay hindi ito pinalampas ni Heart at nakabili nga siya ng ilang pares ng sapatos mula sa koleksyon ni Ruffa Mae.

Sa huling bahagi ng vlog, ay sinabi ni Heart na masaya niyang naibahagi sa kanyang mga tagahanga ang kanyang shoe collection. Kung saan nga ang ilan sa mga ito, ay hatid ang magagandang alaala na masarap balikan.

error: Content is protected !!