Connect with us

Inspiring

Heart Evangelista Ipinagmalaki Ang Mga Produktong Yari Sa Mga Pili Nuts Buhat Sa Probinsya Ng Sorsogon

Published

on

“Our culture, our traditions, our language are the foundations upon which we build our identity.”

Sa ating mga Pinoy kilala tayo sa magagandang kultura at mga tradisyon gayundin talagang likas na sa atin ang pagtangkilik sa mga gawang produktong sariling atin. Masasabing isang makabayang lahi na buong pusong niyayakap at ipinagmamalaki kung anung kultura at tradisyon ang ating kinalakhan.

At para sa aktres na si Heart Evangelista labis siyang napahanga sa natuklasan sa kanyang muling pamamalagi sa probinsya ng Sorsogon. Sa kanyang patuloy na pagpapakita sa ganda ng bayan ng kanyang asawa ay nakatuklas siya ng bagong ipagmamalaki at ibabahagi sa kanyang mga kakilala gayundin sa mga tagahanga.



Ibinahagi ni Heart na labis siyang napahanga na ang pagkain na Pili Nuts na karaniwan lamang na kinakain bilang panghimagas ay isa palang kilalang produkto sa kanilang bayan. At ayon sa aktres dahil sa dami ng pwedeng maging pakinabang sa pili nuts ay binansagan ito na “Sorsogon Gem”,

“Pili is the gem of Sorsogon. 🌳 You can do so much with it! ❤️ #MahalKongSorsogon #LoveMarieXSorsogon”, caption pa nga niya sa isang post sa kanyang facebook account.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Sa labis na paghanga ng sikat na fashionistang aktres sa mga produktong maaring gawin mula sa pili nuts ay ifineature niya ito kanyang mga social account. Ibinahagi niya na mula sa pili pala ay maaring makagawa ng mga kagamitan sa bahay tulad ng kurtina, place mat at maging hand bag,

“So happy with how my little project turned out. 🥰 And of course, I made sure to utilize Sorsogon’s treasures so our pili curtains are just cherry-on-top! 💕 #MahalKongSorsogon”, pagbabahagi pa niya sa isang proyektong natapos na gawa mula sa pili nuts.

Sa isang post ay ibinahagi niya ang pagkanais na matutunan ang iba pang produkto na gawa sa pili nuts na kanyang ibabahagi sa mga tagahanga,



“My beautiful and hardworking friend showing me how they were able to upcycle the pili nuts and turn them into something useful. Home and decor products for #LoveMarieXSorsogon will soon be available. Can’t wait to share their talent with you! 😍❤️ #MahalKongSorsogon @ Sorsogon Province”, sabi pa ng magandang maybahay ni dating Senador Chiz Escudero.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Tuwang-tuwa naman ang ilang mga netizen at maging tagahanga ng aktres sa pagmamalaki nito sa mga produktong sariling atin,

“Miss Minchin -That is a good opportunity for them! If you’re going to sell them for a higher price, I hope the bigger percentage goes to the Bicolanos. Keep this up Heart! ❤️”,
“Fely Ganalon – Love it! I am from Bicol also at Nabua Cam Sur”,
“Eliz Aquilar Pelonia – Nakakatuwa kase isa ka po sa mga taong nagpapaangat ng mga gawang atin.. Iilan lang yung artistang ganyan.. Godbless po miss heart”.

error: Content is protected !!