Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Inamin na Kumikita ng Milyon-Milyon Mula sa Kanyang mga Kahanga-hanga sa Gandang Paintings

Ang sikat na aktres na si Heart Evangelista ay isa nga sa hinahangaan at tinitingala ngayon sa industriya ng showbiz. Walang duda ito dahil talaga namang napakaganda at napakaseksi ni Heart. Idagdag pa nga rito, ang kanyang pagiging isang fashion icon na sadyang hinahangaan rin ng marami ang kanyang taste pagdating sa fashion.

Credits: Karen Davila | YT

Maliban rito, ay may natatangi ring talento si Heart sa pagpipinta dahilan para ituring rin siyang isa sa mahuhusay na pintor sa ating bansa. Hilig na talaga ni Heart ang magpinta ngunit nang umarangkada ang kanyang showbiz career ay nahinto ito. Hindi naman nagtagal, ay nagpasya na si Heart na ipagpatuloy ang kanyang hobby na magpinta, kung saan nga ay nagkaroon na rin siya ng solo painting exhibits.

Marami naman ang nagtatanong kung magkano nga ba ang kinikita ni Heart sa kanyang mga kahanga-hangang obra kapag binibenta niya ang mga ito.

Credits: Karen Davila | YT

At sa part 2 ng vlog ni Karen Davila kung saan nakasama niya si Heart at asawa nitong si Chiz Escudero, ay nasagot ang katanungan kung magkano ang kinikita ni Heart sa kanyang mga paintings. Sa nasabing vlog ay ipinasilip ni Heart ang ilan sa kanyang mga paintings, at ibinahagi rin ang halaga ng mga ito.

Hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na pati ang mga branded luxury bags ay nagagawa niyang mas lalong pagandahin gamit ang kanyang talento sa pagpinta. At pagdating sa mga bags, ay commision based ang bayad sa kanya ng kanyang mga kliyente. Sa mga bags ay magsisimula ang presyo ng kanyang obra, sa halagang P200,000 pataas. Iba pa nga rito ang kanyang mga paintings na kasama sa kanyang collections.

Credits: Karen Davila | YT

Habang ipinapakita ni Heart ang bawat painting ay ibinabahagi rin ni Heart ang presyo ng mga ito, na kung saan nga ay umaabot ng milyon-milyong halaga ang bawat isa. Samantala, bilang isang mahusay na pintor, ang isa sa paboritong subject ni Heart ay ang kababaihan. Ang isang malaking painting nga na halos ginawa niya ng isang taon kung saan masisilayan ang iba’t ibang mukha ng babae ay nagkakahalaga ng P6 Million.

At kamakailan lamang nga nang makabenta si Heart ng isa sa kanyang mga paintings na nagkakahalaga naman ng P3 million. Dahil nga sa nakakalutang presyo ng mga paintings ni Heart, ay talagang namangha si Karen at sinabi na talagang malaki nga ang kinikita ni Heart gamit ang kanyang talento sa pagpipinta.

Credits: Karen Davila | YT

Ibinahagi rin ni Heart na sa ngayon ay may bago siyang koleksyon kung saan ang magiging laman ay collaboration niya sa Incubus member at visual artist din na si Brandon Boyd. Pag-amin nga ni Heart, ay talagang malaki ang kanyang kinikita sa kanyang paintings na nagkakahalaga ng milyones. At dahil nga dito, ay malaki rin ang perang nailalagay niya sa kanyang savings.

error: Content is protected !!