Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Inamin na Binigyan siya ng Yumaong Si Sen. Miriam Santiago ng Listahan ng mga Lalaking Dapat Niyang I-Date

Isa nga ang aktres na si Heart Evangelista sa may pinakamagandang mukha sa industriya ng showbiz. Walang duda kung bakit napaibig niya ang kanyang mister na si Sen. Chiz Escudero. Ang mag-asawa nga ay isa na ngayon sa hinahangaang celebrity couple pagdating sa masaya at matibay na pagsasama. Ang kanilang relasyon na binalot rin ng mga pagsubok, sa huli nga ay nagkamit nila ang kanilang inaasam na tamis ng kanilang pag-iibigan. Kung nga saan nga ang kanilang pag-iibigan ay kanilang ipinaglaban sa loob ng maraming taon.

Ngunit, lingid sa kaalaman ng marami ay malaki ang naging papel ng yumaong Senador na si Miriam Santiago sa masayang pagsasama ng mag-asawang Heart at Chiz. At kamakailan lamang nga, ay nagbalik tanaw si Heart sa nakakakilig nilang love story, kung saan nga ang naging daan ay ang dating Sen. Miriam Santiago.

Sa isang Tiktok video nga ay ibinunyag ni Heart na sinabihan niya ni Sen. Miriam na huwag na raw siyang makipagdate sa artista. At binigyan pa siya ng listahan ng mga lalaking dapat niyang i-date. Pag-amin pa ni Heart, ay hindi niya inaasahan na karamihan sa mga lalaking ito ay tatawag sa kanya.

Photo credits: google.com

“She asked me sino ba dapat, wag na ‘ko mag-date ng artista; I should broaden the horizon and see what’s out there, so she gave me a list! A list of guys that I should date. It’s funny because you know, a lot of them called me.”

“Of course, I’m not gonna say who called me, but a lot of them did. They were all so very, very equally nice, in fairness.”

Ang Tiktok video na ito ni Heart, ay kasagutan niya sa isang katanungan ng kanyang follower patungkol sa age preference niya sa kanyang partner. At ipinaliwanag nga ni Heart, na hindi ito patungkol sa agwat ng kanilang mga edad, dahil pag-amin nga ng aktres ay may crush na siya kay Chiz noon pa mang 2007, ngunit nataon naman na kasalukuyan siyang nasa isang relasyon noon.

Photo credits: google.com

Mas lalo namang minahal ni Heart si Chiz noong nasa kalagitnaan sila ng matinding pagsubok sa kanilang relasyon, kung saan nga ay ipinaglaban nito ang kanilang pagmamahalan. Kwento ni Heart, sa kabila ng maraming udyok kay Chiz na hiwalayan siya, ay pinatunayan nito ang pagmamahal sa aktres at ipinaglaban siya hanggang sa huli.

“Sabi ko, cool down na muna tayo because I’m a curse to everybody that I’m with. Surprisingly, he did something I couldn’t imagine, especially since it was election time and people were telling him to break up with me na. He fought for me. It was the first time anyone did that for me.”

Samantala, noong nabubuhay pa si Sen. Miriam ay kilala siya ng publiko bilang isang babae na puno ng prinsipyo. Lingid sa kaalaman ng marami ay naging malapit si Heart sa Senadora kung saan nga ay itinuring niyang parang kanyang ina at isang superhero. Matatandaan nga na noong 2016, ay isang nakakaantig na mensahe ang ipinaabot ni Heart sa namayapang senadora, kung saan ay mababakas ang labis na respeto at pagmamahal ng aktres.

“I consider myself to be one of the luckiest girls in history because I was like her daughter and she was like my mom. I got to know her more than how other people knew her to be, and in my own honest opinion, she was the greatest. She was the queen that we never had.”

error: Content is protected !!