Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Ibinunyag na Hindi Siya Nagbibihis sa Harap ng Kanyang Asawang si Chiz Escudero Kahit na Mag-aanim na Taon na silang Mag-asawa

Talaga nga namang makikita sa pagsasama ng aktres na si Heart Evangelista at asawa nitong si Sorsogon Governor Chiz Escudero, ang init ng nag-aalab nilang pagmamahalan. At ngayong darating na Marso ay anim na taon nang masayang nagsasama ang dalawa bilang mag-asawa. Matatandaan na ikinasal sila noong taong 2015.




Photo Credits: Google.com

Sa loob nga ng mahabang panahon, ay napanatili nina Heart at Chiz, ang kanilang pagmamahal sa isa’t isa. Ito nga ay dahil nagawa ni Heart na mapanatiling matatag ang kanilang relasyon bilang mag-asawa. Kamakailan nga, ay nagbigay ng payo ang fashion icon sa mga misis. Isang bagay na nagsisilbi niyang sikreto kung bakit matatag at puno ng excitement ang pagsasama nila ni Chiz.

Photo Credits: Google.com

Ayon nga kay Heart, ay may itinuro ang kanyang daddy para sa matatag na relasyon. Ito nga ay ang magtira ng privacy sa sarili, kahit pa nagsasama na ng mahabang panahon upang magkaroon pa rin ng misteryo at excitement ang pagsasama bilang mag-asawa.

Photo Credits: Youtube.com | Love Marie Escudero

“My dad would always tell me, ‘You have to leave a little bit of yourself.”

Dahil nga sa turo ng daddy ni Heart, ay ibinunyag ng aktres na hindi siya nagbibihis sa harap ng kanyang asawa. At kahit pa nalilligo sa banyo, ay palaging nakasara ang pinto upang may privacy pa rin siya.

Photo Credits: Youtube.com | Love Marie Escudero

“So if you go to the toilet, close the door. If magbibihis ka, don’t make bihis in front of them. Make sure na hindi kayo nakikita ng inyong partner habang nagbibihis after mag shower or something. Ako, I don’t dress up in front of Chi. When he sees me naked, he only sees me naked when it’s that one.”




Samantala, nagbigay naman ng payo si Heart sa mga misis ng tahanan na wag pabayaan ang sarili kahit may mga anak na. Saad nga ng aktres, ay mahalaga pa rin na pangalagaan ang sarili upang maging maayos ang kalusugan at sarili, hindi para sa kapakanan ng iba kundi para sa sarili. At tulad nga niya, na madalas mag-ayos upang manatiling fresh ang sarili. Kahit nga may mga pinagkakaabalahan ay tinitiyak niyang naaalagaan niya ng tama ang kanyang sarili.

Photo Credits: Youtube.com | Love Marie Escudero

“I always believe you shouldn’t let go of yourself just because nag-asawa ka na o may anak ka na, again in connection with your dreams and your aspirations in life. It’s the same with your looks because it’s not because you’re being vain or vain is a sin, it’s taking care of yourself, for your self worth.”

error: Content is protected !!