Connect with us

Stories

Heart Evangelista, Ibinahagi ang kanyang Karanasan Bilang Step Mom sa mga Anak sa Unang Asawa ni Chiz Escudero

Magmula nga ng mapangasawa ng aktres na si Heart Evangelista ang Sorsorgon Governor na si Francis “Chiz” Escudero, ay naging isang ina siya ng kambal nitong anak na sina Quino at Chesi, na anak ni Chiz sa una niyang asawa na si Christine Flores. Dahil nga, wala pa silang anak ni Chiz, ay tinanggap ng buo ni Heart at tinuring na parang tunay na anak ang kambal.

Ngunit, sa kabila nito ay marami ang kumakalat na usap-usapan sa hindi umano pagiging mabuting ina, at pagkakaroon ng hindi magandang relasyon ni Heart sa mga anak ni Chiz.




Ito nga ay mariing itinanggi ni Heart, at kamakailan lamang sa kanyang latest vlog, ay sinagot na niya ang isyung ito. Sa nasabing vlog, ay ibinahagi ni Heart kung anong relasyon meron sila ng kambal na anak ni Chiz at kung gaano niya kamahal ang kambal.

Pag-amin nga ni Heart, ay hindi naging madali ang lahat ng kanyang pinagdaanan. Ayon nga sa aktres, ay talagang malaking adjustment ang ginawa niya sa set-up nila ng kanyang asawa sa loob ng kanilang tahanan.

“In the beginning I must admit it was very hard for me to adjust because I’m the youngest and again, I never really had total freedom in my life. And then finally when I was married, I had all the freedom. But then I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we had kids. That was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part. I’m just saying that the set-up was such an adjustment.”

Pahayag pa ng aktres, bagama’t mahirap ay sinikap niya na maging mature at tanggapin ang sitwasyon na kanyang kinakaharap.

“I was so much more immature during those times. So it was really hard for me. I would cry. We would be walking sa mall. Siyempre twins so ‘yung isang kamay [ni Chiz] hawak yung isa, ‘yung isang kamay, hawak yung isa. Ako taga bitbit ng paper bag sa likod. ‘Ganito ba talaga ‘yung gusto ko?’”

Pag-amin naman ni Heart, bagama’t hindi madali sa kanya ang kinakaharap na sitwayon matapos ang kanilang kasal ni Chiz, ay hindi naman maikakaila na tinanggap niya ng buong puso, at tinuring na parang sarili at tunay na anak ang kambal na anak ni Chiz.




“But then when you love other people, even if you didn’t give them the gift of life, parang it feels so good because you don’t really want necessarily anything in return. You just want to love them. You just want to guide them. Now I really love them as my own.”

Pagbabahagi naman ni Heart, nang makunan umano siya sa magiging anak sana nila ni Chiz, ay mas lalo pa siyang naging malapit sa mga ito. Sa katunayan pa nga raw nito, ay naramdaman niya ang pagiging isang ina.

“I didn’t give them the gift of life, but especially when I got pregnant, I really felt differently towards them. I really felt the maternal feeling. I felt that and I loved them even more. I think they also loved me even more. It was a whole experience for the family when I got pregnant and when I lost the babies. I feel like we also got really closer.”

Ipinahayag rin ni Heart kung gaano niya kamahal ang kambal. Saad pa ng ng aktres, dahil nagkakaedad na rin si Chiz, ay sila ng kambal ang magsasama sa huli, kung kaya’t labis niya umanong pinapahalagahan ang mga anak ng kanyang asawa.

“I really love them so, so much. We are fully aware that Chiz is a little bit older than all of us so in the end, kami lang din naman ang magsasama-sama so I treasure them so much.”

error: Content is protected !!