Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Hindi Makapaniwala Na Nagawang Ipatattoo Ng Isa Niyang Fan Ang Kanyang Pangalan Sa Mukha Nito

Ang mga sikat na artista sa showbiz, ay talaga namang hindi nawawalan ng tagahanga. Sa kanilang taglay na ganda at talento ay hindi na nakapagtataka kung maraming nagmamahal at sumusuporta sa kanila. May ilang tagahanga naman na matindi kung mahalin ang kanilang idolo, at ito nga ay talagang ipinapakita nila.

Credits: Heart Evangelista | IG

Katulad na lamang nga ng isang tagahanga ng aktres na si Heart Evangelista na hindi nag-atubiling ipa-tattoo ang kanyang pangalan sa mukha nito.

Ang bagay na ito ay hindi inaasahan ni Heart, kaya naman labis siyang nagulat at hindi siya halos makapaniwala na nagawang ipatattoo ng isa niyang avid fan na lalaki ang kanyang pangalan mismo sa mukha nito. Namangha nga ang Kapuso actress sa ginawang ito ng kanyang fan, kaya naman naging speechless si Heart ng masilayan ito.

Hindi naman ito basta-bastang maliit na tattoo lamang dahil makikitang buong pangalan ni Heart ang ipinatattoo ng tagahanga niya sa jawline nito. Ang “Heart” nasa right jaw habang ang “Evangelista” ay nasa left jaw.

Credits: Heart Evangelista | IG

Dahil nga talagang ikinagulat at namangha si Heart sa ipinakitang pagsuporta ng kanyang avid fan, ay hindi naman napigilan ng aktres na ibahagi ito sa kanyang Instagram stories. Ayon nga kay Heart, sa ginawang ito ng kanyang tagahanga ay nahigitan umano nito ang kanyang asawang si Chiz Escudero.

Credits: Heart Evangelista | IG Story

“wow this is intense. I am flattered in major way… I don’t know what to say… All I know is he beat my husband!”

Hindi naman talaga biro ang magpatattoo at ipalagay ang pangalan ng idolo lalo na nga’t napakasakit magpalagay ng tattoo. Samantala, hindi naman nagbigay ng detalye si Heart kung paano niyang nakuha ang larawan ng kanyang avid fan, kung nakausap ba niya ito o kung may matatanggap ba itong regalo mula sa aktres.

Matapos namang masilayan ng mga followers ni Heart ang larawan ng avid fan ng aktres na nagpatattoo ng pangalan ng kanyang idolo, ay umani ito ng samu’t saring reaksyon. Kung may mga natuwa na tulad sa naging reaksyon ni Heart, ay meron din namang nagbigay ng kanilang negatibong reaskyon.

Credits: Heart Evangelista | IG

“Errrr intense nga…. so creepy though”

“Haha grabe paghanga yan as in nakatatak sa mukha”

“Medj creepy for me. Baka maging sobrang obsessed na yan to the point na pati life mo malagay sa danger”

“Girl that’s a major red flag. Hello creepy stalker yung man.”

Credits: Heart Evangelista | IG

Sa taglay naman talagang kagandahan, at kaseksihan ni Heart, isama pa nga rito ang kanyang talento sa pag-arte, ay hindi nakapagtataka kung maraming tagahanga ang nagpapakita ng matinding pagsuporta at pagmamahal sa kanya. Ngunit, sa ganitong sitwasyon ay kailangan ring mag-ingat ng isang artistang kagaya ni Heart, dahil may ilang fans na ang hangad talaga ay mapansin ng kanilang idolo para sa hindi magandang intensyon. At tulad nga ng komento ng ilang netizens, ay baka stalker ito ng aktres.

error: Content is protected !!