Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista, Binigyan ng Napakagandang Make Over ang Poolside Area ng Kanilang Bahay sa Sorsogon

Published

on

Ang aktres na si Heart Evangelista ay kilala sa industriya ng showbiz bilang isang fashionista na talagang namang kahanga-hanga sa ganda ang mga OOTD. Ngunit, sa loob ng halos 4 na buwang pananatili sa loob ng tahanan bunsod ng quarantine ay may nadiskubre ang aktres.




Ito nga ang bagong hilig ngayon ng aktres sa interior design na kung saan ay na-ienjoy na ang pagdidisenyo ng loob ng tahanan. Una na ngang binigyan ng make over ng aktres ang tahanan nila sa Quezon City na kung saan makikita ang napakagandang resulta at kahanga-hangang disenyo.

Photo credits: iamhearte | Instagram

At hindi pa nga nakontento ang aktres, dahil maging ang bahay ng asawang si Chiz Escudero na matatagpuan sa Sorsogon ay ginawan rin niya ng make over. Ang kanyang asawang si Chiz ay kasalukuyang gobernador ng probinsiya.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Matapos nga maging maluwag ang quarantine sa Metro Manila at bumalik na rin ang biyahe patungo sa probinsya, ay hindi pinalampas ni Heart ang pagkakataon na mabisita ang bahay nila sa Sorsogon. At noong June 30, 2020 ay lumipad na patungong Sorsogon ang aktres para sa kanyang personal na misyon, ang poolside make over sa tahanan nila ni Chiz.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Pagkarating na pagkarating nga ni Heart sa kanilang humble home sa Sorsogon, ay agad siyang nagtungo sa bakuran at poolside ng bahay upang sipatin kung ano ang mga bagay na kanyang kakailanganin upang mapaganda ito.




Photo credits: iamhearte | Instagram

Sa kanyang latest vlog nga, ibinahagi ni Heart kung paano niya nagawang mapaganda ang poolside ng bahay kung saan ay gumamit siya ng mga produkto na ipinagmamalaki ng probinsya. Hindi naman maikakaila, na talagang pinag-isipang mabuti ni Heart ang bawat detalye at gagamiting materyales upang maging maganda ito.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Inayos nga ni Heart ang mga dekorasyon, naglagay rin siya ng ilang ornamental plants na dala niya mula sa lungsod upang magmukhang relaxing ang lugar. Naglaan rin ng oras ang aktres upang magtungo sa pamilihan ng probinsya para hanapin ang mga gawang produktong ipinagmamalaki ng probinsya. Hindi naman nabigo ang aktres, dahil nakakita naman siya ng mga bagay na maaaring niyang gamitin bilang disenyo sa kanilang tahanan.

Photo credits: iamhearte | Instagram

Maging ang bedroom ng tahanan, ay may tatak Love Marie rin. Dahil ang angking talento sa pagpipinta ni Heart ay ginamit niya upang bigyang kulay at lagyan ng magandang disenyo ang naturang silid kung saan ay gumugol siya ng halos tatlong oras bago matapos ang napakaganda niyang obra.

Photo credits: iamhearte | Instagram     




Hindi naman maikakaila na ang angking talento ni Heart ay hindi lamang sa fashion, kundi pati na rin sa pagdidisenyo ng bahay na talaga namang makikita ang magandang resulta. Kaya naman, ang asawa niyang si Chiz ay natuwa at nagustuhan rin ang magandang pagbabago sa kanilang tahanan.

“He approves of my hard work”,

saad ni Heart sa kanyang Instagram na masaya sa naging resulta ng make over at nagustuhan ito ng kanyang asawa.

error: Content is protected !!