Connect with us

Entertainment

Heart Evangelista at kanyang Amang si Rey Ongpauco, Nagkaayos na Matapos ang Maraming Taong Hindi Pag-uusap

Published

on

Bagama’t nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan sa pagitan ng mga magulang at anak, hindi naman ito nagtatagal at dumarating rin ang oras upang maayos ang anumang gusot sa pagitan nila. Ito ay dahil na rin mas nananaig ang pagmamahal na bumubuklod sa isang pamilya.

Nalalapit na nga ang Father’s Day o ang araw ng mga haligi ng ating tahanan. Ito nga ay espesyal na araw na inilaan para sa kanila upang pasalamatan at bigyang pugay ang kanilang kabutihan at kasipagan bilang mga ama ng tahanan.




Ngayong taon na yata ang pinakamasayang pagdiriwang ng Father’s Day ng mag-amang Heart Evangelista at Rey Ongpauco dahil matapos ang maraming taon na hindi nila pag-uusap, sa wakas ay nagkaayos na sila at naayos na ang anumang gusot na namagitan sa kanila.

Ang kwento ng mag-ama ay ibinahagi sa isang online advertisement ng isang softdrinks brand para sa selebrasyon ng Father’s Day. Dito na nga inilahad ng dalawa kung ano ang pinag-awayan nila sa loob ng halos tatlong taon. Ibinahagi naman ng ama ni Heart kung bakit hindi ito nakadalo sa kasal ng anak at ng dating senador at ngayon ay gobernador na ng Sorsogon na si Chiz Escudero.

“Ang pinag-aawayan namin, ‘yung boyfriend lagi eh. Noong una ayaw ko, hindi tuloy ako napunta sa kasal niya,”

Dahil sa hindi pagdalo ng mga magulang ni Heart sa kasal nila ni Chiz noong 2015, naging kontrobersyal ang kanilang kasal. Ngunit, ayon naman kay Heart ay may blessing na silang natanggap mula sa mga ito. Pero hindi umano kayang makita ng kanyang mga magulang na siya’y ikasal dahil ayaw ng mga ito na mawalay siya sa kanilang piling kundi manatili lamang sa kanilang poder.




Hindi naman maitatanggi na nalungkot ang aktres sa nangyari at tila nawalan siya ng pamilya.

Noong nag-away kami, I really felt a void in my life,” pag-amin ng aktres. “It was so hard for me because having a solid family really mattered to me so when I lost my family, I was lost as a person.”

Ngunit, ang kanilang away ay natuldukan na at sa wakas silang dalawa ay nagkaayos na matapos ang maraming taon.

“Pag matanda na kami, may pagka-sentimiyento kami. Naghahanap kami sa inyo, mga pagmamahal n’yo,” ang sabi ni Rey sa anak.

Hindi naman maikakaila ang kaligayahang nadarama ngayon ni Heart sa pagkakaayos nilang mag-ama.

“We just started out like before, parang I was like a little girl again, we just get each other so much now. It’s really important that you spend time with your family, create lots and lots of memories kasi I guess we’re all just passing through this world. ”




Tunay nga na kahit anong pagsubok ang dumaan, ang pamilya ay pamilya parin. Dahil sa paglipas ng panahon ang sugat na dulot ng sakit ng kahapon ay maghihilom at muling namang mararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya.

error: Content is protected !!