Connect with us

Entertainment

“He Treats and loves Elias as his own”: Derek Ramsay, Hinangaan ng mga Netizens Dahil Parang Tunay na Anak Kung Ituring ang Anak ni Ellen Adarna kay John Lloyd na si Elias

Ang aktor na si Derek Ramsay ay ganap na ngang asawa ng aktres na si Ellen Adarna matapos maikasal noong Nobyembre 11. Tila naman talagang masaya sila sa piling ng isa’t-isa, at makikita nga ang kanilang magandang samahan, lalo na ngayong mag-asawa na sila.

Samantala, hindi naman na lingid sa kaalaman ng marami na bago ikasal sina Derek at Ellen, ay may anak na ang aktres sa kanyang dating karelasyon na si John Lloyd Cruz. Ang naging bunga ng pagmamahalan noong nina Ellen at John Lloyd na si Elias, tatlong taong gulang na, ay nasa poder ng aktres.

Photo credits: Ellen Adarna | IG

At kasabay nga ng pagiging ganap ng mag-asawa nina Derek at Ellen, ay siya ring tuluyang pagiging ama ng aktor kay Elias. Marami naman ang talagang humahanga kay Derek, dahil hindi lamang nga isang mapagmahal na asawa sa kanyang asawang si Ellen, kundi isa rin siyang responsable at mapagmahal na ama kay Elias, na parang tunay na anak na nga ang turing niya sa bata.

Magmula pa lamang nga noong magkasintahan pa lamang sina Ellen at Derek, ay makikita na sa aktor kung paano niyang alagaan si Elias. Sa kanilang mga bakasyon nga, ay kitang-kita rin ang kanilang masayang bonding moments patunay lamang nga ng kanilang magandang samahan.

Photo credits: Ellen Adarna | IG

At kamakailan lamang nga, ay hindi napigilan ng netizens na humanga sa pagmamahal ni Derek sa anak ni Ellen na si Elias. Sa kanyang Instagram account, ay makikitang ibinahagi ni Derek ang mga larawan ng kanyang pamilya. Ang mga nasabing larawan ay kuha sa araw ng kasal nila ni Ellen. At isa nga sa talagang pumukaw sa atensyon ng netizens ay ang magkasamang larawan nina Derek at Elias.

Photo credits: Ellen Adarna | IG

Makikita sa ilang larawan na yakap-yakap ni Derek si Elias habang masayang nakangiti sa harap ng camera. Sa isang stolen photo naman ay makikitang nakahalik naman ang aktor sa cute na si Elias. Ang mga nasabing larawan na puno ng saya at pagmamahal, ay nilakipan naman ni Derek ng simpleng caption,na kung saan pinasalamatan rin ng aktor ang photographer na si Pat Dy, sa pagkuha ng litrato ng kanilang masayang alaala.

“MI familia!! Thank you patdy11 for capturing these beautiful moment,”caption ni Derek sa kanyang post.

Photo credits: Ellen Adarna | IG

Hindi naman nga nakaligtas sa mata ng netizens ang precious moments nina Derek at Elias. Kaya naman nag-iwan ang mga ito ng komento na puno ng paghanga sa aktor, na parang tunay na anak na ang turing kay Elias.

“yan ang tunay na pogi khit di niya anak pero he treats and loves Elias as his own. Saludo ako sayo Derek!❤️”

“Love how you treat baby Elias like your own”

“So beautiful! Seeing ur 2 sons together is already a beautiful wedding gift. 😍”

“I salute you Derek for loving Elias & his Mom. Stay in love at huwag ka sana magbago. All the best for you & your family. ♥️”

“The way you love that boy…Wow”

“he really loves Ellen, kitang kita how he treats Elias like his own.”

Photo credits: Ellen Adarna | IG

Si Derek ay may tunay ring anak sa kanyang dating asawa na si Mary Christine Jolly. Siya si Austin Gabriel Ramsay na 18 taong gulang na ngayon.

error: Content is protected !!