Connect with us

Entertainment

‘He is worth the wait’: Roxanne Barcelo, Masayang Ibinahagi na Siya ay Ikinasal na

Sa kabila ng hirap at lungkot na nararanasan ngayong pandemya, ay may magagandang karanasan namang nangyayari sa ilan na nagbibigay ng saya sa kanilang buhay.

Katulad na lamang nga ng singer-actress at isa na ring vlogger ngayon na si Roxanne Barcelo. At ngayong taon nga kasabay ng pakikipagsapalaran sa pandemya, ay hindi lamang na-engaged ang singer-actress sa kanyang nobyo, dahil inamin rin nito na ikinasal na siya sa kanyang nobyo sa isang napakagandang seremonya ng kasal.




Sa latest vlog ni Roxanne na pinamagatang “Hear Me Out” na kanyang ibinahagi sa kanyang YouTube Channel noong ika-25 ng Disyembre, tampok ang mga pagbabagong naganap sa buhay niya. Sa naturang vlog ay nagbigay ng 12 updates si Roxanne sa personal at professional niyang buhay. Kabilang na nga rito, ang pagpapakasal niya sa kanyang nobyo.

Hindi man nabanggit ang eksaktong araw, ay ibinunyag ni Roxanne na nag-proposed sa kanya ang nobyo ilang buwan matapos maipatupad ang quarantine at bago nga matapos ang taon ay ikinasal na ang dalawa. Ayon pa kay Roxanne, ay alam niya na ito na ang tamang taong itinakda ng tadhana para sa kanya na talagang “He is worth the wait” kung ilarawan ng vlogger.

“He said he wants to start a family with me. It was such a beautiful moment because he asked twice. He actually asked me a few months after quarantine pero dahil naka-lockdown pa nun, all we knew was that we were going to get married before the year ends. Totoo pala yung when you know, you know. I knew from the start na siya yung para sa akin. I am taken! He is worth the wait.”

Ibinahagi naman ni Roxanne kung paano tinulungan ng kanyang partner ang kanyang ina noon nang ma-stranded sa baha na dulot ng bagyong Ulysses noong nakaraang buwan. Laking pasasalamat nga ni Roxanne dahil nasagip ang kanyang ina sa tulong ng kanyang partner. At nang makita nga ni Roxanne kung paano nitong iniligtas ang ina, ay doon niya napagtanto na gustong-gusto ng kanyang ina ang kanyang partner para sa kanya. Kaya naman, ganun na lamang ang naramdaman niyang saya.




Samantala, pagdating naman sa kanyang karera, ay ibinahagi ni Roxanne na nais niyang magpokus sa kanyang singer carreer ngayong taong 2021.

“One of the things that I also realized during quarantine was gusto ko na kumanta. Sobrang frustrated singer talaga ako and dahil sa Tawag ng Tanghalan na nakapagkanta ako, pero hindi ako naka-create ng songs. So I have decided that this coming 2021 I will really devote my time into music and vlogging.”

Dahil sa pandemya, ay hindi natuloy ang soap opera na gagampanan niya sana bilang kontrabida, kung saan ay makakasama niya ang aktres na Bea Alonzo na kanya sanang bagong proyekto ngayong taon. Hindi naman ito naging hadlang upang patuloy na bumuhos ang maraming biyaya na dumating sa kanyang buhay. Isa na nga rito ang maikasal sa kanyang fiancee na itinuturing niyang “My Creator’s best gift ever.”

error: Content is protected !!