Connect with us

Entertainment

Hayden Kho, May Pa-Bentley Car sa Misis Niyang Si Dra. Vicki Belo Noong Valentine’s Day

Sa pagdiriwang ng araw ng mga puso o Valentine’s Day ay isa ang celebrity doctor na si Dra. Vicki Belo ang marahil ay nakatanggap ng bonggang regalo mula sa kanyang mister na si Hayden Kho. Hindi lamang kasi simpleng date, bouquet of flowers o chocolates na kadalasan ng natatanggap tuwing valentines ang natanggap ni Dra. Vicki mula kay Hayden Kho, dahil isa nga sa kanyang mga pangarap ang iniregalo nito sa kanya, at ito nga ay isang napaka-bongga, napakamamahalin at napakagandang sasakyan.

CREDITS: Vicky Bello |YT

Noong ika-19 ng buwan ng Pebrero, ilang araw nga matapos ang pagdiriwang nating lahat ng araw ng mga puso, ay ibinahagi ni Hayden Kho sa kanyang YouTube sa pamamagitan ng isang vlog ang naging sorpresa niya sa kanyang misis na si Vicki Belo noong Valentine’s Day na labis ngang nagpasaya rito.

CREDITS: Vicky Bello |YT

Masisilayan sa naturang vlog na ibinahagi ni Hayden sa kanyang YouTube channel na sa labis na kasiyahan nga at pagkasorpresa ng misis niyang si Dra. Vicki sa valentines’ gift niya rito ay talaga namang hindi ito nakapagsalita.

Sino ba naman kasi ang makapagsasalita pa, kung makatatanggap ka ng sasakyang Bentley W12 na regalo sa valentine’s day, kung saan ito nga ang natanggap ng celebrity doctor mula sa asawa niyang si Hayden.

CREDITS: Vicky Bello |YT

Naganap ang nasabing sorpresa na ito ni Hayden kay Dra. Vicki noong araw ng Linggo, ika-13 ng Pebrero ng kasalukuyang taon, sa luxury resort complex Okada Manila sa Paranaque City.

Inihayag naman ni Dra. Vicki sa isang maikling panayam sa kanya sa naturang vlog na talaga namang labis siyang nasorpresa sa regalo sa kanya ng asawa. Hindi rin umano niya inaasahan na ganito kabongga ang regaling matatanggap niya mula rito sa araw nga ng mga puso.

CREDITS: Vicky Bello |YT

“It’s so unexpected kasi usually, ano ba, yung Valentine’s, special siya. Pero of course, mga flowers lang, happenings, game.
Na-freak out naman ako na nagkaroon ako ng dream car ko ever. So unexpected.”

Dagdag pa na pahayag ng celebrity doctor, talaga namang napaka-bless niya sapagkat ang pinakahuling bagay na kanyang pinapangarap na nasa kanya ngang ‘bucket list’ ay nakamit na niya.

CREDITS: Vicky Bello |YT

“Kasi kung may bucket list ka, yun na lang yung naiiwan sa bucket list ko.”
“Yung aking ano, the car that I’ve been wanting for so long. Pero every time I look at it, sabi ko, ‘Parang masyadong mahal. Don’t buy it, ra ra ra…”, ani pa ng celebrity doctor. Kuwento pa ni Dra. Vicki, 18-taong gulang pa lamang siya ay nasa bucket list na niya ang nasabing sasakyan.

CREDITS: Vicky Bello |YT

Proud naman si Hayden Kho na muli siyang nagtagumpay na masorpresa at mabigyang kasiyahan ang kanyang misis na si Dra. Vicki sa araw ng mga Puso.

Napag-alaman naman na ang halaga ng naturang sasakyan na Bentley W12 ay nagkakahalaga ng USD219,425 o aabot nga sa PHP11.2 million, ayon sa ulat ng bentleynewportbeach.com.


error: Content is protected !!