Connect with us

Entertainment

Hashim Alawi, Natuwa Sa Reaksyon ng Kanyang Ina at mga Kapatid na sina Ivana at Mona sa Kanyang Matagumpay na Food Prank

Naghatid ng tuwa sa kanyang mga followers ang kapatid ng vlogger at aktres na si Ivana Alawi na si Hashim Alawi sa kanyang latest vlog na mapapanood sa kanyang Youtube Channel.

Kung sa mga vlog ni Ivana, ay madalas na si Hashim ang maprank sa pagkakataong ito, ay isang matagumpay na prank ang ginawa ni Hashim sa kanyang ina at dalawang kapatid na sina Ivana at Mona.

Sa latest vlog na “Food Prank” ni Hashim ay talaga namang natuwa siya sa naging reaksyon ng kanyang dalawang kapatid at ng kanyang ina. Sa unang bahagi ng video, ay ipinaliwanag ni Hashim ang nais niyang mangyari kung paano gagawin ang prank.

Una nga ay ang paghahanda niya ng pagkain para sa kanyang pamilya kung saan ay nag-bake siya ng cupcake, ngunit may pakulong ginawa si Hashim. Dahil bago isalang sa oven ang cupcake ay nilagyan niya ito ng sibuyas at bawas. Naghanda rin ng inumin si Hashim para kay Ivana at Mommy Fatima. Ngunit, sa halip na coke, ay hinaluan niya ito ng toyo. May ginawa ring raspberry sauce si Hashim para kay Ivana, pero ang kanyang inilagay ay Samyang Sauce.

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Sa pagsisimula ng prank ay unang sumalang si Mona sa lamesa kung saan nakahain ang ginawang cupcake ni Hashim. Nang unang makita ni Mona ang cupcake, ay napansin agad nito ang hitsura kung saan may sunog at ang ilan naman ay hindi umalsa. Bungad naman ni Hashim, ay gusto niya talagang matuto magbake kaya naman nais niyang malaman ang honest opinyon nito.

Photo credits: Hash Alawi | IG

Sa unang kagat nga, ay hindi na maipinta ang mukha ni Mona at sinabi na parang panis na ang cupcake. Matapos mailuwa ni Mona ang kinaing cupcake, ay sinabi na rin ni Hashim na may sibuyas at bawang ito, at hindi coconut ang nasa loob.

Photo credits: Hash Alawi | IG

Sumunod namang iprank si Ivana na noong una ay natuwa pa dahil nagbake si Hashim ng cupcake para sa kanila. Nang kagatin ni Ivana at malasahan ang cupcake, ay ayaw nitong magbitiw ng hindi magandang komento.

Ngunit, sa reaksyon ng mukha nito ay makikita na hindi nga masarap ang lasa ng cupcake. At nang isawsaw nga sa Samyang sauce, na pagkakaalam ay raspberry, matapos isubo ang cupcake ay agad na iniluwa at naibato pa ni Ivana kay Hashim ang cupcake.

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Mas lalo namang napikon si Ivana nang inumin nga ang coke na may halong toyo. Saad nga ni Ivana ay “baboy” ang ginawa nito, dahil hindi naman raw siya gumagawa ng ganung klaseng prank.

At ang huli ngang biktima ang si Mommy Fatima, na nakangiti pa nang makita ang inihandang cupcake ni Hashim. Ngunit, lingid nga sa kalaaman nito ay may nakahanda palang prank si Hashim. Sa pagkagat nga ng cupcake ay agad nalaman ni Mommy Fatima na may laman itong sibuyas at bawang. Dahil ang pinakaayaw na pagkain ni Mommy Fatima ay sibuyas, dahil naiiyak siya sa rito.

Photo credits: Hash Alawi | IG

Photo credits: Hash Alawi | IG

Naging matagumpay ang ginawang food prank ni Hashim sa kanyang pamilya. At ang vlog na ito ay naghatid ng saya at kinaaliwan ng maraming netizens.

error: Content is protected !!